#MOE 44 - Vows

1694 Words

#MyObsessedEx _____ "Manang mana ka talaga sa ate!" Mayabang na sabi ni ate habang inaayosan ako sa mukha at buhok. Napailing nalang ako at nakatitig sa salamin. Ikakasal na ako. Hindi naman elagante ang kasal ko pero sana ay maging masaya ako. Hindi ko naman namalayan ay kasal ko na pala ngayon. Ang bilis nga eh. Ito na pala ang kaarawan na itatali ako sa mahal ko. Napayuko ako at napahawak sa puso ko. Mahal ko ba talaga si Gabb? "Oh bakit ang lungkot ng kapatid ko? Di ka ba masaya?" Napatingin ako kay ate na nakasandal sa unahan ko. "A-Ate, paano kung hindi mo mahal ang isang tao?" Tanong ko kay ate. Bigla sumeryoso ang mukha ni ate at kumunot noo. "Ano ibig mong sabihin Tammy?" Natahimik ako at napatungo. "Tammy. Hindi mo mahal si gabby ganun?" Hindi makapaniwalang tanong ni ate.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD