#MyObsessedEx _____ Relyn's POV Napagitla ako ng may naramdaman akong may gumalaw sa study table ko. Napakurap ako at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakatrabaho. Nandito kasi ako sa rest house ko at di ko magawang pumunta sa kompanya dahil nalaman kong pinapahanap na ako ng magaling kong ama dahil sa ginawa ko kay Iya. Napasandal ako sa upuan ko at napabuntong hininga. Ang dami ko pang gagawin— "Hindi nga ako nagkakamali. Andito ka" Napatayo ako ng makita ko si Dad na may kasamang kalalakihan at kababaihan ngunit mukhang mga psychiatric nurse mula sa mental. Napakunot noo ako. "What is this Dad?!" Sigaw ko. Pumasok silang lahat sa kwarto ko kaya napaantras ako. Bakit may kasama siyang ganyan?! Nababaliw na ba sila?! "Hindi ka ba natutuwa at gagaling ka na?" Nanlaki

