#MOE 13 - Regret

1231 Words
#MyObsessedEx _______________ Relyn's Point Of View. Bigla ako natigilan sa pagtatype sa laptop nang makarinig ako ng malakas na impact sa pintuan. Mabilis ako bumaba at nakita ko si Julius na madilim ang aura. Napakunot noo ako. "Ano nangyare?" Napatingin siya sa akin pero binigyan niya ako na malamig na emosyon. "Julius-" "Wag mo ako tatawagin niyan.." Nasaktan ako sa sinabi niya pero lumapit ako. "Julius.. H-Hindi naman kita pinipilit pero mahal kit-" Bigla ako napaantras ng tumingin siya sa akin ng napakasama. "Sa tingin mo maniniwala pa ako? Alam mo bang wala na akong tiwala sayo?" Bigla nangilid ang mga luha ko. Nanghina ako napatingin sa ibang direksyon. "Hayaan mo naman ako magpaliwanag oh" Pag susumamo ko pero nanatiling blanko ang ekspresyon niya sa akin. "Noon ba ay naniwala ka sa akin? Tangina. Wala akong kapatid na tulad mo" Malamig na tono niya at nilampasan ako. Napamaang ako at nagsitulo ang mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Napatakip ako sa mukha tsaka ako humagulgol. Masakit pala na talikuran ka ng kapatid mo. Inaasam na makasama mo at ipasaya sa lahat ng bagay. Ginawa ko naman ang lahat ng ikakasaya niya. Ibinigay ko sakanya si Tam ngunit mukhang mas lumala pa ang sitwasyon namin. Mas lalong kinamuhian ako ng kapatid ko. Napaupo ako sa sofa at napaiyak nalang. Masakit kasi eh. Ang bigat sa dibdib ko. Simula malaman ko na kapatid ko si Julius ay bumalik sa alaala ko ang lahat na pinangagawa ko sakanya at sa relasyon nila ni Tam. Hindi ko maiwasan mapagsisihan ang lahat ng yun. Pinunasan ko ang mga luha pero lumalagas pa rin. Araw araw ganito ang trato sa kin ni Julius simula tumakas si Tam sa pamamahay na to. Kasalanan ko to eh. Lahat ng ito ay kasalanan ko. Kung pinaniwala ko sana si Julius ay hindi aabot sa ganito. Ang masaktan at mawala sa kin ang mahalagang tao sa buhay ko. Flashback "Ate-" Tumigil ako sa paglalakad at napatingin sa paligid kung sakali ay may tao. Wala naman. "Wag mo akong tawaging ate, Wala akong kapatid na tulad mo" Kita ko rito ang sakit na dinulot ko sa kanya. "A-Ate wag ka n-naman ganya-" "Kailan pa kita kapatid Karl?" Madiin na bulong ko sakanya "Hindi ako naniniwala na may kapatid at tatay akong Kriminal!" Galit na sabi ko. Tumulo ang luha niya pero niyakap niya ako. "A-Ate Maniwala ka. Hindi kami k-kriminal," Mabilis ko siya tinulak at galit ko siyang sinampal. "Ang kapal talaga ng mukha niyo! Ikaw at ang tatay mo kung bakit naghirap kami at nawala si Mommy! Pinatay niyo si Mommy! Hindi mamatay si Mommy kung hindi niyo ninakaw ang mga pera sa kompanya namin!" Tumulo ang luha ko dahil sa galit na dinadala ko ngayon. "H-Hindi yan totoo A-Ate.. Maniwala ka" Umiiyak na siya sa harap ko. Napangisi ako. "Wala akong tiwala sayo.. Wala akong tiwala sa mga magnanakaw!" Nanlilisik na galit na sabi ko at tinalikuran siya. Galit ang bumabalot sa puso ko. Next Day~ "Tammy!" Napalingon siya sa akin. Ngumiti ako tsaka kumaway. "Sabay tayo kumain!" Masayang sabi ko. Nilapatin Naman niya ako pero napansin ko na mukhang nag aalinlangan siya. "A-Ano kasi.. ahmm may kasabay na ako eh" Natigilan ako. "Sino?" Nagtatakang tanong ko. Bigla siya namula at umiwas ng tingin sa akin. "K-Kaibigan ko" Hindi siya makatingin sa akin. Tumaas ang kilay ko. "Pwede naman ata ako sumabay?" Tanong ko. Bigla siya nataranta at nanlaki ang mata. Napaisip ako. Mukhang may tinatago ito sa akin. "Wag na Relyn! Kami na lang na dalawa. Bye! Next time nalang. Mag aaral kami eh!" Sabi niya tsaka ako niyakap at tumakbo agad. Napabuntong hininga ako. Kung hindi ko siya Bestfriend nakuh lang. Sinundan ko siya dahil wala siyang binanggit sa akin na pangalan pero halos mangatog ang tuhod ko sa nakikita ko. Si Karl at Tam. Masaya sila kumakain sa garden habang nagsusubuan. Napayukom ako. Si Tammy nanaman ang lolokohin mo Karl? Napamura ako. Hindi mayaman si Tammy kaya wala kang mananakaw . Bigla bumalik ang galit ko sa kanya. "Maghihigante ako Karl. Wag na wag mong gagalawin si Tammy, Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko" Malamig na bulong ko. Lumayo na ako pero nanatili pa rin ang galit ko sa puso ko. I will get revenge. *** "Karl, Mag usap tayo" Nakangiting sabi ko. Bigla siya natigilan at tumango agad. Pumunta kami sa likod ng paaralan at hinarap siya. "Karl.. Naniniwala na ako" Sabi ko at pinakita ang malungkot kong ekspresyon. Nakita kong nagliwanag ang mukha niya. Napangisi ako ng palihim. "T-Talaga? A-Ate hindi ka nagkakamali!" Masayang sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko siya pabalik pero may nakapaskil sa mukha ko na isang ngising tagumpay. Nakuha ko na ang tiwala mo Karl. *** "Tammy!" Hinabul ko si Tammy nang makita ko siyang umiiyak. Nilapitan ko at niyakap niya agad ako at humagulgol sa iyak. "A-Ang sakit..Masakit" Nanghihinang sabi ni Tam at hindi ko maiwasan na malungkot. "Tam.. Tahan na" "Relyn may mali ba sa akin?" Humarap siya sa akin. Ang gulo gulo ng buhok niya at ang laki na rin ng eyebags niya. Lungkot at sakit ang nakikita ko sa mata niya. "B-Bakit mas pinili niya ang ex niya ke-kesa sa akin?" Tumulo ang luha niya at umiyak. Napayuko ako at naalala ko ang sinabi ko kay Karl. *** "Karl.. Naalala mo pa si Pia?" Tanong ko sakanya. Nasa mansyon nila ako. Tinatanong ko sakanya si Pia. Ang ex niya. Nalaman ko lang to sa mga naririnig ko sa paaralan. Tss. Kahit papaano hindi ako naniniwala na kapatid ako ni Karl. "Ah? Oo! Yung babaemg yun? Tsk! Wala yung kwenta" Walang ganang sabi niya. Napatango ako sa sinabi niya tsaka ako napangisi. Oh well. Let's see Karl. Next Day~ "Karl! Ano ito?!" Hinagis ko sa pagmumukha niya ang Pregnancy Test at yung DNA Test sa bata at kay Karl. Nagulat at namutla siya ng makita ito. "Anong ibig sabihin niyan?" Kunwaring galit ko. Napatingin siya sa akin na namumutla. "A-Ate, H-Hindi to totoo" Kinakabahan na sabi niya. Ngumisi ako sakanya. "Hindi totoo? Gusto mo papuntahin ko dito si Pia?!" Kunwaring galit na galit na sabi ko "Putangina lang Karl! Niloko mo si Tammy!" Sigaw ko sakanya. Umiling siya ng paulit ulit kasabay ang pagtulo ng luha niya. "Wala nangyari saamin!" Sigaw niya at umiyak. Napangisi ako ng palihim. Payback time. *** "Hindi ka Mahal ni Karl, Tammy" Rumehistro sa mukha niya ang galit. "Napaniwala niya ako. Hindi ako makapaniwala. Nagpakatanga ako!" Galit na galit na sabi niya. "Ma-Mas pinili niya ang e-ex niya" may tumulong luha mula sa mata niya. Bigla ako nasaktan para sa kaibigan ko. Pasensya ka na Tammy. Hindi ka sana masasaktan kung hindi mo minahal si Karl. Kay Karl lang sana ito pero nagkataon na naging kayo. End of Flashback Natulala ako ng sumagi sa isipan ko ang lahat ng panloloko at pagkatraydor ko. Tumulo ang luha ko at napatitig sa kawalan. Wala akong kwentang tao. Pero hindi ko masisisi ang sarili ko sa panahon na yun dahil ginawa ko yun para kay Mommy. Nadala ako sa galit noon pero pinagsisihan ko na yun. Lahat ng iyon ay imbento ko lang. Kaya ito ang naging resulta. Malaman ko pala na hindi ninakaw nila Julius ang kompanya namin ay labis ang pangungulila ko lalo na totoong kapatid ko si Julius. Pinakita ko noon na boto ako kay Karl para ipakita na may tiwala ako kay Karl at upang lubusan ako tiwala ni Karl. Si Julius na si Karl ay Kapatid ko pala. Tinawag ko siyang Julius upang magbagong buhay pero mukhang hindi na ako tinanggap ni Karl bilang Kapatid niya. ___________ A/N: Hi Readers. Pasensya na kayo ha? Minsan kasi namemental block ako. So ayan nag update na ako. Ps. Don't be Silent reader : ) #Truth #Past #Traitor #Regret #Anger
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD