#MyObsessedEx _____ Nagpaalam rin ako sa dalawa at sinundan si Fara sa CR. Pumasok ako at natigilan ako na makita siyang umiiyak sa harap ng salamin. "Fara..." Lumingon siya sa akin at agad ko siyang dinama ng yakap. "Uuwi na tayo" Sabi ko at tumango naman siya. Inayos niya muna ang sarili niya at lumabas kami. Nagpapasalamat ako dahil walang tao sa loob maliban lang saaming dalawa. "Mauna na kami Jade, Salamat sa libre mo" Sabay ngiti ko. Ngumiti siya ng pabalik at niyakap ako. "Sana magkita ulit tayo" Ngumiti nalang ako at tumingin doon sa lalaking kasama ni Jade. Tumango lang siya at umalis na kami doon. Pagkarating namin sa apartment ni Fara ay bigla siya napaupo sa kama at napahagulgol. Napabuntong hininga ako at tumabi sakanya. "Sabi ko na nga ba eh.. May hindi okay sayo kani

