#MyObsessedEx ____ Tammy's POV "Masarap dito Tammy!" Sabay hila sa akin ni Fara sa isang kalenderya. Napasimangot ako. "Ayoko dyan" Sabi ko at tinalikuran siya. Dahil makulit siya ay napilit niya ako. Masarap naman ang mga pagkain dito pero ayaw ko lang. Basta ayoko lang. "Tammy maghanda ka na bukas ah? Dapat lagi kang active sa mga customer lalo na't pahabain mo ang pasensya mo" Untag agad ni Fara. Tumaas ang kilay ko. "Bakit naman?" "Kung alam mo lang. Karamihan na pumapasok doon ay mga maarte at demanding! Ang sarap nga nila sapak sapakin. Ang lakas nila mang utos! Nakuhh!" Naiinis na sabi niya. Daldal ng daldal si Fara habang kumakain kami samantala ako ay tahimik na kumakain. "Tahimik mo ah? Atsaka kwento mo naman sa akin kung kamusta na ba ang bakasyon mo!" "Ayoko nga" Sabi

