#MyObsessedEx ______ Napangiti ako habang pinapanood si Karl na kausap ang matanda. Nakasandal lang ako sa labas ng yacht habang pinapanood sila. Sa tatlong linggo ang daming nangyari at napapangiti lang ako. Ginawa lang kasi namin ay mamasyal at magsaya. Aaminin ko naging masaya ako lalo na si Karl. Ngunit napawi ang ngiti ko na papatapos na ang isang buwan at oras ko na ring umuwi. Napangiti ako ng mapait. Bakit ako nalulungkot? Ibinigay ko naman ang gusto niya diba? Oh bakit parang kumikirot ang nasa bandang puso ko. "Uy!" Napaulirat ako at napatingin kay Karl. "You're spacing out again. Tara may ipapakita ako sayo" Nakangiting sabi niya. Tumango nalang ako. Bumaba kami mula sa Yacht at naanig ko mula rito ang parang luxury golf carts na sasakyan na nakikita ko sa Tv. Naramdaman

