"Good morning Mrs. Salvacion!" Bati sa akin nung guard pag daan ko sa guard house. "Good morning din po." Pag bati ko pabalik. Nag lalakad-lakad lang ako ngayon sa subdivision. Gusto ko kasing maka langhap naman ng sariwang hangin. Isa pa masyado pang maaga, saka hindi ko naman na abutan si Venox. Kaya baka natutulog pa siya. "Oh Blythe hija! Saan ang punta mo?" Tanong ni Mrs. Manzano na nag didilig ng mga halaman na nasa tabi ng gate nila. "Wala po nag iikot lang, kamusta po?" Sabi ko at huminto sa pag lalakad. Saka ko pinadausdos ang dalawa kong kamay sa mag kabilaang bulsa ng sweatpants ko. "Ayos naman Hija, ikaw kamusta ka? Ngayon na lang ulit kita nakita, hindi na kita masyadong nakikita, pumayat ka pa." Pamumuna niya sa akin. "Ay nako, naging busy lang po ng kaonti. Tinra

