Ang galing talagang mag balanse ng Diyos. Darating talaga sa punto ng buhay natin na malulugmok tayo. Pero matuto lang tayong mag hintay at may kapalit agad ito. Kapalit na liwanag na ating hinihintay. Hindi lahat ng hiling natin matutupad sa isang iglap. Matutong mag hintay, mag tiyaga at mag appreciate. Minsan kasi nasa harap na pala natin hindi lang natin makita nag hahangad kasi tayo ng mas better. "Magiging successful ang operation believe me. Lalampasan yon ni Tyrone para sayo at sa magiging anak niyo." Naka ngiting sabi ni Manang Myrna habang nag hahapag ng pagkain. No, hindi pa ako bumabalik sa mansyon ni Tyrone. Nandito pa rin ako sa puder ni Jarred. Wala namang katulong si Jarred at ayaw naman niyang kumuha na lang basta sa agency kaya pinadala ni Tyrone si Manang Myrna. "S

