"Oh ayan na pala si Jarred." Masayang sabi ng isang Madre na papalapit sa direksyon ni Jarred. "Kuya Jarred!" Masiglang bati ng ilang bata na malapit sa kanya. Ilang sandali lang ay nasa harap ko na si Jarred after niyang bumati sa mga sumalubong sa kanya. "Hey there Blaytii!" Sabi niya sabay kindat saka niya binalingan si Venox. "Hey bro!" Pag bati ni Jarred kay Venox sabay tap sa balikat ni Venox. "Sisters." Pag bati ni Venox kina Mother superior sabay mano. "Mabuti naman at nakarating kana hijo." Sabi ni Mother Josefina. "Medyo na traffic lang po ng kaunti." Sabi ni Jarred sabay hand gesture. "Sino naman yang magandang dalaga na kasama mo, aber?" Tanong ni Mother superior, saka nabaling ang buong atensyon namin sa kasama ni Jarred. Dumausdos ang kamay ni Venox sa maliit

