"Ikaw na!" Sabi ko sabay tulak kay Venox na naka higa sa kama. "No." Mariin niyang sabi saka umiling-iling. "Isa!" Pag babanta kong bilang. "Okay, fine. Fine, fine, fine!" Sabi niya at nag dadabog na lumabas ng kwarto. Ang tamad niya! Okay pati ako rin hahaha. Nag doorbell na kasi yung delivery boy ng inorder naming pizza. Nandito kami ngayon sa isa sa mga guestroom na may malaking television set. Napag desisyunan naming wag ng mag hapunan dahil wala namang marunong mag luto sa amin. Kaya uubusin namin ang buong gabi sa pag mo-movie marathon. Actually, halos lahat ng pagkain na naka kalat sa kama ay puro delivered lang. Saka buti na lang may mga stock kaming junk foods at ilang soda cans. Bumukas ang pinto at iniluwa si Venox na may bitbit na tatlong box ng pizza. Habang ako pre

