"Bakit nga pala napa dalaw kayo?" Tanong ko nung naka recover na kami sa dramahan. "Don't tell me..." Binigyan ko silang dalawa ng maka hulugang tingin. Akala ko ba si Daryl saka siya? "Baliw! Hindi noh, loyal 'to." Proud na sabi ni Kyla natawa naman ako sa kanya. "May mga gamit ka lang po na naiwan sa office. Sakin na po nila pinabalik kasi akala po nila close tayo, eh hindi ko naman po alam kung saan po kayo nakatira kayo po nag pasama po ako kay Ma'am Kyla." Magalang na sabi nito. His back to his usual self. I mean magalang pa rin naman siya kanina, pero mas lalong gumalang lang. Him and his natural polite self. Ang amo ng mukha niya, tapos sobrang tangos talaga ng ilong! Iyan yung una kong na pansin sa kanya noon, yung ilong niya. "Ah ganun ba?" Tanging nasagot ko. "So pano

