"Avyona told me na pumunta ka raw ng office ko." Bungad ni Tyrone pag pasok niya sa kwarto namin. "Oh your secretary." Sabi ko saka umayos ng higa. Wala naman akong galit sa sekretarya niya. Alam ko namang ginagawa lang nito ang trabaho niya, but I can't help it. "Bakit ka pumunta doon?" Kalmadong tanong niya habang nag papalit ito ng damit sa harap ko, bastos. "Wala naman, balak sana kitang isurprise kaya lang kelangan ko pa raw ng appointment." Matabang na sabi ko tinawanan naman niya ako. Nag tatalo pa kasi ang isip ko kung ko-komprontahin ko na siya para mag open siya sa akin. Diba dapat mag asawa open sa isa't-isa? Kahit pa simpleng bagay lang yan dapat sinasabi niya! Hindi lahat ng bagay kaya niya, pakiramdam ko ay wala siyang tiwala sa akin. "Namumutla nga siya kanina eh,

