“Yes, crush kita! Okay na po ba ‘yon?” Sabi ko bago lumabas dahil sa kahihiyan na idinulot ni mama, Agatha at Annaliza. Hindi niya ba alam, hindi ko lang siya crush, gusto ko rin siya, gusto ko siyang maging-akin. KASALUKUYAN na kaming nag-aayos sapagkat pabalik na kaming All-stars building at laking pasasalamat ko kay Joshua dahil pinahatid niya si mama pauwi sa bahay at least hindi ako mag-aalalang may nangyari sa kanyang masama. “Ready na ba kayo pabalik?” Akala ko talaga hindi na magsasalita si Watson, e. “Oo, ready na kami pero mas masarap sana mag-stay rito sa condo ni mentor.” Hanggang ngayon hindi ko pinapansin si Annaliza at Agatha. Kanina bago sila umalis ni mama hindi ko siya pinansin kaya alam niyang nagtatampo ako pero ano ba naman ang tampo na ito konting “sorry” lang

