Naisip kong magtungo sa restroom dahil gusto kong maghilamos para magising ako dahil ilang higop pa lang sa wine nahihilo na ako. Ganito pag-mababa ang alcohol tolerant, hindi naman kasi ako umiinom kahit nasa tamang edad na ako. Bumalik na ako sa pwesto ko ngunit may biglang lumapit sa akin na isang lalaki may dala siyang wine then nilahad niya ang kanyang kamay pero hindi ko tinanggap ‘yon kaya ngumiti siya, “Hi, miss. Do you want to join us?” “Sure! Why not?” Pumayag na ako kasi nakaramdam ako ng pagka-boring at saka hinahanap ko nga si Annaliza kanina pa mukhang nawawala ang bruha, baka naman marami lang tao kailangan ko siya hanapin sa dance floor. Ito na nga ba ang sinasabi ko. “Can we dance for a while?” Pag-aaya ko sa lalaking nag aya lang rin sa akin na maki join ako sa k

