“Isang tanong, isang sagot. Susunduin na ba kita diyan mamayang gabi para umuwi o mag stay ka diyan? Kasi nasa work ako now kailangan muna-” “Sunduin mo ako.” Walang pag aalinlangan kong sagot. “Are you sure? Walang sisihan ‘to, Esther. Ipapa-cancel ko ang contract mo sa kaibigan kong nasa Entertainment ninyo, sinabi ko sa kanya ang tungkol dito.” Pumikit ako at matapang na sumagot. “Sure na ako. Wala kang dapat ikabahala para naman ‘to sa lahat. Ayokong maging selfish.” “I know you very well, Esther. Selfless ka masyado at masama ‘yon.” Aniya. “Sige na, salamat sa pagsabi sa akin. Ingat ka at pakitingnan si mama.” Sabi ko sabay call ended. Pumasok na ako sa loob at naabutan ko sina Watson, Joshua at Annaliza sa sofa na nakaupo at mukhang kahit sila ay namomroblema dadagdahan k

