“Ayun nga ang punto ko, e. Baka sa isang beses na ‘yan matyempuhan ka pa! Nako, Esther, hiling ko lang talaga ay ‘wag mangyari ang iniisip ko dahil sa sabunutan talaga kita pag nagkataon!” “Oo na, matutulog muna ako saglit bago mag practice.” Bukas na pala ang show namin sa Arena kaya mas lalong kailangan mawala ng hapdi sa gitnang ibaba ko baka hindi ko magawa ang flip up sa harap ng maraming tao. Ayokong mapahiya ako lalo na ang mga kasamahan ko. “Matulog ka na gigisingin na lang kita.” Aniya sabay labas ng silid at iniwan akong mag-isa, pero imbis na mag-isip nang mag-isip itinulog ko na lang. After 30 minutes nagising rin ako agad at medyo hindi na makirot ang ibaba ko kaya ko na siguro ito igalaw-galaw mamaya sa practice. Maya-maya pa ay patungo na sana ako sa banyo ng bumukas

