WEEKS LATER. This is it! Wala nang atrasan ‘to, pero natatakot ako kasi wala akong experience na panoorin ng maraming tao kaya nga walang nakakaalam sa talentong meron ako pero dahil kay mama at agatha pati na kay Joshua ay naglakas loob akong ipakita. Ito na ang pagkakataon na ipakit ko ang kaya ko gawin, sana lang huwag akong kainin ng takot at kaba ko mamaya. “Let’s give applause to the twinkle group.” Sunod-sunod na ang pagtawag sa mga grupo na magpeperform sa event na ‘to at kung hindi ako nagkakamali ay event ito para sa promotions ng bawat group. “And now, let’s welcome the back to back group. Nabuwag ngunit nabuong muli kaya naman nais nating kilalanin ang mga bagong miyembro ng grupo na alam kong noon pa man namamayagpag. Put your hands up to the breaker group!” “Wohh! Bre

