“Okay lang naman po siya,” simpleng sagot ko. “May abs ba?” Puta bakit pati ‘yon tinanong niya? Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko pero kasi mukhang may abs siya dahil ‘nung sumasayaw kaming dalawa nakikita ko ang patong-patong na pandesal sa tiyan niya. Don’t get me wrong, okay? Hindi ko sinisilip sadyang tumataas lang ‘yung suot niyang sando. Inosente tayo, okay? “10 minutes before the show begins.” Muli na naman nag-anunsyo kaya naman ang dalawang baklang nag aayos sa amin ay hindi na nagsalita pa. Kumilos sila agad at parang mga hinahabol ng kabayo sa sobrang bilis kumilos. “All done!” Sabay kaming natapos ni Annaliza. “Salamat po!” Sabi ko sa baklang na-ayos sa akin. Ngumiti ito sabay hawi nang buhok ko. “Good luck and congrats. Ang gaganda ninyo mga, beks!”

