“Sino ba kayo!” Panay ang kawala ko habang nakasakay ako sa isang sasakyan at nakapiring ang mga mata ko dahil sa blindfold. “Ma’am, sumunod na lang po kayo ‘wag na kayong malikot.” Nakarinig ako ng boses sa kabiling side ko. Natatakot ako na baka kung anong gawin nila sa akin dahil bigla na lamang silang tumigil sa tapat ng convenience store kung saan ako galing at paglabas ko kinuha nila ako at sinakay sa van na walang kalaban-laban at walang kahit na isa ang tumulong sa akin. “Oo nga, ma’am. Kumalma muna po kayo malapit na tayo.” Sabat naman nang nasa kabilang gilid ko. Hindi makapaniwala na tumawa ako. “Mga baliw ba kayo? Paano ako kakalma kung hindi ko kayo mga kilala tapos dinukot ninyo ako!” Tatlo sila at ang isa ay nagdi-drive sapagkat ang dalawa ay nasa magkabilang side ko.

