After two weeks ay bumalik na si mentor Joshua at sinabi ni Watson na magaling na daw ito kaya pwede na kaming magstart sa practice dahil sa nasabing show at isasalang na daw kaming dalawa ni Annaliza. Halos hindi na ako makatulog sa sobrang kaba na aking nararamdaman at kulang na lang magwala na puso ko. “Baka pumanaw ka niyan nang maaga, Esther.” Masamang tingin ang binaling ko kay Annaliza na pa-chill-chill lang. “Manahimik ka diyan, Annaliza.” “Grabe alam mo hindi pa rin ako makapaniwala na ito ang unang sasalang tayo as a group. Pero palagay mo ba makukuha natin agad ang isa’t isa? Sa tatlong linggo na practice?” Tanong niya sa kawalan pero napaisip rin ako. “Hindi natin makasundo ang tatlo sa kanila, sa palagay mo magiging maganda ang performance kung walang cooperation?” Bal

