Napayuko ako sa compliment ni Manang. Hindi sa paghubuhat ng maraming bangko marami na rin nakapagsabi na maganda ako. May nakapag-offer na rin sa akin bilang maging modelo ng mga ito.
Hindi ako purong pinoy may one right na lamang ako na dugong chinese. Nasa five three lang din ako. Ilang talampakan din ang tangkad ni Ma'am sa'kin. Ilang sandali pa habang patuloy ang mga ito sa pagpuri sa amin dumating na si Sir.
Wala na itong hawak na sigarilyo.
“Ano ka ba Renton may tao,” napa-iwas ako ng tingin sa mga ito.
Tinampal ni Ma'am ang kamay na nakapulupot sa baywang nito. Habang naglalakad ito patungo sa direksyon ni Ma'am nakatingin ito kay Ma'am na tila ito lang ang nag-iisang babae sa mundo.
Gusto ko rin maranasan ang matignan ang ganoong klasing tingin. Ano kaya ang feeling.
“So ayon na nga babe pinag-uusapan namin si Anna kanina. Ayaw yata maniwala ni Anna na maganda siya siguro dahil babae kaming lahat dito. So sa'yo ko tatanongin, maganda ba si Anna babe?” nakayuko pero pinipilit ko na matignan ang reaksiyon ni Sir Renton.
Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa paghihiwa nila ni Manang bigla habang ang gilid ng aking mata at ang aking tainga ay naghahanda sa sasabihin nito.
“M--maganda,” nauutal pa na sagot nito.
Lumakas ang kalabog ng aking dibdib at nanigas ako sa sagot nito. Pumalakpak pa si Ma'am nang tumingin ako sa direksyon nito mabilis din na nag-iwas ito ng tingin. Simula kagabi nakaramdam na ako nang pagka-ilang kay Sir Renton na hindi ko naramdaman simula nang magsimula ako sa pagsisilbi sa mga ito.
“Naniniwala ka na? Sabi sa'yo maganda ka? What do you think of Anna being a lingerie, underwear ang etc. model babe? She has a body of a model babe,” napalunok ako nang tumingin ito sa aking direksyon.
“Bongga! True Madam nagtaka nga ako rito kay Anna Ma'am imbes na magmodelo naging isa siya sa mga maggagandang kasambahay ninyo,” natawa kami sa sinabi nito at bahagya kong hinampas ang kamay ng kaibigan.
“Hindi bagay,” nanlalaki ang mga mata ko.
Nang tignan ko ang mga kasama ko nanlalaki rin ang mga mata ng mga ito habang nakatingin kay Sir. Awkward na tumawa si Ma'am kaya nagkaroon na ulit ng ingay si paligid.
“Weh? Nakita ko kaya ang katawan ni Anna nang isang araw Sir. Ang sexy kaya ni Anna walang baby fats o wala man lang itong bilbil Sir. Paano niyo na hindi bagay?”
“Oo nga babe kahit hindi ko pa nakita alam ko na kaagad na maganda ang katawan ni Anna.” pagsang-ayon nito.
“I'll go ahead.” Alam ko na umiwas ito sa tanong ng kunin nito ang cellphone bilang excuse.
“Huwag kang naniwala roon kay Renton Anna. Ako lang kasi ang sinasabihan ni'yan na bagay akong maging modelo at wala na akong iba pang narinig na sinabihan nito.” Napakumot ako at tumango.
“Ako na po riyan Manang. Pasensya na po at kagigising ko lang po kanina.” Nakaginhawa ako ng hinayaan ako ni Mamang lalo na at hindi na ulit bumalik ang topic ng mga ito tungkol sa'kin.
Tumulong ako sa paghahanda para mamayang hapunan. Na busy na din ang mga kasama ko sa bahay lalo na at pupunta pala ang parents ng mga ito. Kung advantage ang pagkakaroon ng mabuting mga Amo hindi mawawala ang pagkakaroon ng disadvantage.
Iyong ang Mommy ni Sir William na si Ma'am Matilda at dahil magka-vibes ang magkumare mayroon din ang mga ito na masamang ugali.
“Pag-isipan mo ang offer ko sa'yo Anna.” Masaya na sana akong tatango kung hindi ko lang nakita si Sir na nasa likuran nito.
“Sige po Maam, pag-iisipan ko po.” Mabilis na naglakad ako palayo sa mga ito.
Gusto ko sanang kausapin na si Katherine para ikuwento ko ang nakita ko kaso pareho na kaming namamawis ang mga kamay at nanlalamig habang naghihintay sa mga ito na dumating. Naka-line na rin kami sa may pinto para salubongin ang mga ito.
“Good evening po,” hindi man lang kami nito tinaponan ng tingin.
Sinalubong ng dalawa ang mga ito.
“Good evening po,” hindi ko na nakita pa ang reaksiyon ng mga ito.
Nawala pa ako sa focus buti at hinawakan ni Katherine ang aking braso at hinila ako nito. Kailangan naming mauna para pagsilbihan ang mga ito.
Ingat na ingat ang lahat ng mga kapwa ko kasambahay sa paghahanda ng mga pagkain ng mga ito.
“Sa may kusina na raw tayo sila Manang na ang bahala rito.” Sumunod ako kay Katherine at nginitian na muna si Manang.
Nag-approve sign ito bago pa kami nakapasok sa may dirty kitchen.
“Hay! Ano nga pala sasabihin mo sa'kin kanina tungkol kay Sir Anna?” luminga-linga na muna ako sa paligid bago ako mas lumapit kay Katherine.
“Saan ba kasi kayo kanina?”
“Nasa labas kami Katherine ang iba naman ay inutusan na manalengke, bakit ba?” bumuntong hininga ako.
“Nakita ko sila ni Sir Renton kanina Katherine.” Sa bawat salita na lumalabas sa aking bibig ay nagiging mahina ang aking boses na sa tingin ko hangin na ang lumabas sa aking bibig.
“Oh! Tapos?”
“Nakita ko silang hubot hubad habang si Sir Renton ay gumalaw sa ibabaw ni Ma'am Katherine.”
“Naku! Anna mas malala pa ang dalawa noon lalo na noong bagong kasal pa ang mga ito. Ilang beses na ko na din nakita ang mga ito pero infairness yummy si Sir. Sa tagal Anna hindi ko pa rin nakita ang kargada nito.”
“Gusto po palang makita Katherine?” tumango ito at pabirong kinagat kagat ang labi.
“Mga hija kumain na ba kayo?” napahawak ako sa aking dibdib habang nakatingin kay Mr. Gaisano ang Daddy ni Sir Renton.
“Opo Sir.”
“Maninigarilyo muna ako mga hija.” Para kaming timang ni Katherine rito.
Sumenyas ito na aalis kaya tumango ulit kami bilang sagot. Kung ang asawa nito ay masama ang ugali ito naman ay mayroong ugali na mayroon ang Anak nito at daughter in laws sa mga kasambahay.
“So ano nakita mo ba?” umiling ako at nag-iwas ng tingin.
“Ano ka ba nabigla ako kanina dahil first time kung nakakita ng ganoon at isa pa kakagising ko iyon na agad ang bumungad sa'kin.”
“Ay oo nga pala hindi bago sa'yo ang ganoong klasing ganap. Dalagang Pilipina ka nga pala. Halika na huwag mo na lang isipin at huwag ka ng magpahalata na may nakita ka.” Hinawakan nito ang aking kamay at akmang maglalakad na ito.
“Dito lang tayo. Sabi nila Manang dito na muna tayo,” bumuntong hininga ito at tumango.
Umupo ako sa isang upuan habang iniisip ko pa rin ang mga nangyari ngayong araw. Umalis na ang mga ito kaya nagsimula na rin kami sa pagtulong sa mga ito. Kaming dalawa ni Katherine ang naghugas ng plato samantalang ang mga matatanda ay nauna ng matulog.
“Good night...” tumango ito at pamumungay ang mata na naglakad sa silid ng mga ito.
Binuksan ko ang aking pinto at pumasok na roon. Nanlalaki ang aking mga mata ng matapos kong isara ang pinto noong humarap na ako sa direksyon ng kama.
“S--ir ano pong ginagawa niyo rito?”
Nakaupo ito sa maliit ko na kama na mas lalong lumiit tignan ng nakaupo na ito.
“Anna... hindi na ako magtatagal baka hanapin ako ni Madeline. Huwag na huwag mong tatanggapin ang offer ni Madeline sa pagiging modelo Anna.” Iwas na iwas ako na hindi makita ang hubad na katawan nito habang nagsasalita ito.
“Wala po akong plano Sir. Mahiyain po ako.” Nakahinga ito ng maluwag.
Napa-atras ako ng tumayo ito at naglakad ito patungo sa aking direksyon.
“Kapag tinanggap mo ang offer magsisimula na ako sa pag-angkin sa'yo Anna kaya ako sa'yo huwag na huwag mong tatanggapin.” Napalunok ako ng ilang beses lalo na at ilang dipa na lamang ang aming mga labi at ang mukha namin sa isat-isa.
Sa lapit nagawa kong ma-amoy ang hininga nito. Gamit nito na pampabango sa hininga na hindi ko alam kung anong tawag. Naamoy ko rin dito ang amoy ng alak kaya pala namumula ang mukha nito.
“O--po.”
“Good,” inilayo nito ang kanyang mukha.
Tinignan na muna ako nito bago ito lumabas ng silid. Ilang beses na malalim na hininga ang aking ginawa bago pasalampak na humiga sa may kama. Subsob ang aking mukha habang iniisip ang mga ganap.
Ayaw kong umasa pero bakit pumasok pa si Sir sa aking silid para sabihin na hindi ko tatanggapin ang offer ni Ma'am Madeline? Ayaw ba nito na may makakita pa sa aking katawan? Mabilis akong tumayo at patakbong pumunta sa banyo.
Hinubad ko ang uniform ko at tinignan sa salamin ang aking katawan. Tangging panty at bra ang aking suot habang nakatingin dito. Tama ang mga ito mayroon akong katawan na pangmodelo. Maliit ang aking baywang at tama na ang mga kurba nito.
Hindi malaki ang aking dibdib ngunit hindi rin flat sakto lang ang laki. Sobrang layo ko pa rin kay Ma'am Madeline. Sexy si Ma'am Madeline malaki ang dibdib nito at malaki rin ang puwet. Narinig ko last time na nag-bubutty exercise ito.
Total hubad na ang aking katawan dumiretso na ako sa loob ng banyo para maligo. Nagbihis ako at pinatuyo ang buhok gamit ang tuwalya. Pinulupot at ginawa ko ang ibang paraan para matuyo ang aking buhok.
Nagising ako kinabukasan na magaan ang pakiramdam. Deritso kaagad ako sa itaas para tumulong sa gawain sa itaas.
“Gusto ko na rin ng Anak Madeline. Hindi na ako bumabata baka magmukha akong lolo ng mga bata kung hanggang ngayon ayaw mo rin na bigyan ako ng Anak.” Dahan-dahan ang lakad ko iniiwasan na makagawa ingay habang mas papalapit pa ako sa may naka-awang na silid ng mga ito.
“Masyado pa akong bata Renton. Kung kailan nasa perks na ako sa kasikatan ko bilang modelo siya pa ang time na gusto munang magkaroon ng Anak. Sabi mo Renton maghihintay ka kung kailan handa na ako!? Ayaw ko pa Renton...ayaw ko pang maging Ina hindi pa ako handa...” Nagmadali ako sa paglakad papalayo sa labas ng silid ng mga ito.
Kasunod kung narinig at ang pabagsak na pagsara ng pinto. Bumilis ang takbo ng aking dibdib ng maramdaman ko ang pabagsak at papalapit dito sa may direksyon ko ang mabibigat na paa. Nagyuko pa ako lalo ng ulo nang maramdaman ko na tumigil ito.
“Narinig mo ba Anna?” tumingin ako sa direksyon nito.
Ang mga mata nito ay namumula at ang panga nito ay umiigting. Tumango ako. Napapikit ako ng marinig ko ang papalayong tunog galing sa sapatos nito.
Hindi na ako naki-usisa pa sa mga ito at nagpatuloy sa ginagawa. Kinabahan ako kanina dahil baka alam ng mga ito na sinadya kung makinig sa usapan ng mga ito. Hindi bumalik si Sir buong araw.
Si Ma'am Madeline ay mugto ang mata na bumaba nang magtanghalian kanina. Pansin na pansin ng mga matatanda ang mugtong mata nito.
“Ano na naman kayang pinag-awayan nila ni Sir Renton, Anna?”
“Huh? Hindi ko alam. First time ko ang mga itong narinig na nag-aaway.” kumuha ako ng pop corn at nagpatuloy sa panood.
Kahit pa wala sa TV ang aking pokus.
“Alam mo rinig ko nang nakaraan na gusto na raw ni Sir na magka-anak kaso ayaw pa ni Ma'am. Baka masira raw kasi ang inaalagaan nitong katawan kaya ayaw nitong mabuntis. Takot din 'yan si Ma'am lalo na nasa lahe ng mga Gaisano ang pagkakaroon ng kambal. Wala ngayong sa generation nila pero noon halos magkambal daw ang mga anak,” bumuntong hininga ako.
Matapos namin ni Katherine manood noong alas tres bumalik ulit kami sa pag-aayos ng bahay. Pumasok ako sa aking silid nang matapos ulit namin manood ng turkish movies.
Humikab ako at dahan-dahan na humiga sa kama. Ayaw ko pang matulog at ipagpatuloy ang panood kaso sinuway kami ni Manang baka bumaba o dumating daw si Sir at makita kami na gumaganti pa rin ng TV kahit na kalahating gabi na.
Bumibigat na ang talukap ng aking mata ngunit bago iyon narinig ko ang pagbukas ng pinto. Ang kaninang muntik ng matulog na diwa ay biglang nagising.
“A--no po ang ginagawa niyo rito?” hinilot nito ang sentido at napatingin ito sa akin.