Xzyra's Point of View
~You know some day I might cross the street when we were on the same side
Just to skip the how are you I'm—~
Sinagot ko and tawag. Mula ito sa P.A kong si Chariz at mahirap mang aminin pero siya lang ang true friend ko.
"Bakit?!" Ako. Oh diba wala ng hello-hello. Sanay naman na siya sa akin.
[Thank god sinagot mo rin ang tawag, Xzy! Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo! Ano bang nangyari at hindi mo sinasagot ang tawag ko!!!]
"Tsk! May isa kasing asungot na tinapunan ako ng mainit na kape, tapos nakaladkad pa ako! By the way, bakit ka nga pala tumawag?!"
Nga pala, nakapagpalit na ako ng damit kanina. Hindi naman pwedeng hindi, nadumihan na diba. Kahit naman maatitude ako malinis naman ako sa katawan nuh!
Napatunayan na rin pa lang hindi ako ang unang sumugod sa aming dalawa ni Margarette dahil kitang-kita naman sa video na wala ang boyfriend niya dun at kitang-kita at rinig na rinig ng lahat na naiinggit siya sa akin kaya sinabunutan niya ako. Kaya lumabas na self defense ang ginawa ko.
[Ah, oo nga pala! Nabasa mo na ba ang script ng bagong movie mo?! Ngayon na ang simula ng taping niyo! Ngayong 2:00 P.M sa Dela Rama Mansions]
Oh, shookt! Nakalimutan kong basahin yung script!!!! Hindi pa naman ako umattend sa meeting ng mga casts dun. Ang alam ko nung sabado yun, eh. Pero ang alam ko ang title ng gagawin naming movie ay 'Love between Chaos'. Yun lang di ko na nabasa yung mga casts. But, as far as I know ako ang leading lady dun,eh. Nung biyernes pa yun binigay sa akin ni Chariz!! Monday na ngayon!
Tiningnan ko kung anong oras na!
Shit!!!! It's already 1:15 P.M.
"I forgot!!! I have to go now, bye!"
Pinatay ko na ang tawag at pumunta sa kotse ko at agad nagdrive papunta sa taping area sa Dela Rama Mansions. Malayo-layo pa naman yun dito.
***
1:56 P.M na ng makarating ako sa Dela Rama's Mansions kaya agad akong dumeretso sa set.
Hooh! Buti di ako late.
"Nandito na ako direk—" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang isang pamilyar na mukha.
"Ikaw na naman?!" Ako.
"The one and only, Xzyra." Siya habang nakangisi sa akin. Trip na trip niya talagang asarin ako eh noh.
Kung nandito siya ibig sabihin...
"Kasama ka sa mga gaganap sa movie?"
"Oo naman, yes! Actually, I'm the leading man ng movie" siya.
Nalaglag ang panga ko(not literally na nalaglag) sa sinabi niya.
What the! So siya ang...ang... magiging partner ko sa movie. At posibleng....posibleng....
We kiss!!!!!!!
Tangina! Yuck! Bakit naman sa dinami-dami pa ng magiging leading man ito pang lalaking to!! Wtf!!!!!!
Relax, Xzyra, Relax, movie lang yan,ha. Wala namang malisya yun. Hindi naman pwedeng magback-out ako bigla nuh. Mas maraming magalit sa akin baka mamaya wala nang kumuha na director sa akin. So, pag wala ng direktor na kukuha sa akin hindi na ako makakapag-acting. Ayokong mangyari yun. I love acting. Kaya lang naman hindi nila ako mabitawan sa showbiz industry dahil magaling akong actress, taon-taon marami akong award na natatanggap. Atsaka wala naman na silang magagawa kung ganito ang attitude ko. At least hindi plastik at sa harap lang ng maraming tao nagiging mabait. At ginagamit pa ang acting skills sa lahat para kaawaan sila! Tsk! Katulad na lang ni Margarette.
At saka mas gusto nga ako ng mga director dito dahil hindi ako plastik, kahit na nakakasakit na ang sinasabi ko pero sinasabi ko parin ang totoo. Atsaka mas maatittude pa daw pag wala sa public ang ibang artista. Maaarte daw kasi ito sa katawan at pagmay ayaw agad inirereklamo. Ako daw walang reklamo. Wala naman kasing dapat ireklamo basta usapang acting walang rekla-reklamo sa akin. Kung anong nasa scenes at kung ano dapat ang susuutin dun, yun ang gagawin ko. Bibihira na nga lang rin akong makalaban sa boxing. Pero nagg-gym parin ako para makapagpraktis ng boxing aba kailangan parin nuh.
"Oh, natahimik ka ata, Xzyra? Hindi ka ba natututuwa na ako ang magiging leading man sa palabas?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hinde!! Aba kung mukha rin pala ng gorilla ang makakasama ko sa movie or worst leading man pa pala ay hinde ako natutuwa!" Ako.
"Ouch! Grabe ka naman, Xzyra. Sinasaktan mo ang feelings ko"
"I don't care"
Magsasalita pa sana siya nang magsalita si Direk Ferdy.
"Leading man, leading lady, at iba pang mga casts, we will start at 20 minutes! Basahin niyo ulit ang mga script niyo especially the leading lady and leading man. Kayo agad ang lalabas sa unang bahagi!" Sabi ni Direk Ferdy kaya naghanda na ang lahat.
Tinapunan ko ng huling masamang tingin si Harvey bago tuluyang tumalikod at tumungo sa bag ko. Lagi kong dala ang script na yun simula ng binigay sa akin ni Chariz pero lagi ko namang nakakalimutang basahin.
Pero alam ko naman ang takbo ng storya sinabi sa akin ni Chariz.
Kinuha ko ang script at binasa.
TITLE: LOVE BETWEEN CHAOS
DIRECTED BY: DIRECTOR FERDY CASPE
ASSISTANT DIREKTOR: HANIE FAYE MIN, ETC, ETC,ETC
ETC.
ETC..
...
CASTS:
LEADING LADY: XZYRA LOPEZ AS MARGAUX BRAID HUTCHINSON
LEADING MAN: HARVEY HARRISON AS VINCE DIONE BEDINGFIELD
LEADING LADY'S FRIEND: CHAINE VENICE ALVAREZ AS QUAINE PATRICIA PENDLETON
LEADING MAN'S FRIEND: SPIKE CARL PANGILINAN AS HARRY NALE SMITH
LEADING MAN'S PARENTS: MR. CHARD VELASCO AND MRS. GALE VELASCO AS JOHANN DRAKE BEDINGFIELD, ZIA HAILEY BEDINGFIELD
LEADING LADY'S PARENTS: MR. GRICKS VARGAS AND MRS. CHESKA RENEI PASCUAL AS LANDER GABE HUTCHINSON, ARRIANNE ROXETTE HUTCHINSON
LEADING MAN'S SIBLING: AVERY CLINTON AS GRAIL AVERY BEDINGFIELD
LEADING LADY'S SIBLING: GARY LEE GUEVARA AS HADES LIAM HUTCHINSON
ETC.
ETC.
ETC...
***
Ang ganda naman ng pangalan ko sa storya. Margaux Braid Hutchinson. Nice!
Binasa ko na ang mga nasa script ko at kung kailan ako papasok sa set.
Ang alam ko magkaaway ang pamilyang Hutchinson at Bedingfield kalahating American at Filipino ang dalawang angkan. Ang alam ko kaya magka-galit ang mga Hutchinson at Bedingfield dahil magkaaway ang dad nila ni Margaux at Vince dahil inagaw daw ng daddy ni Margaux si Arriane na nanay nila Margaux at Liam. Hanggang sa kapwa na sila magy asawa, hindi na naalis ang alitan ng dalawa. Kaya nadamay ang buong angkan nila, dahil sa kanila, kaaway ng isa kaaway ng lahat. At dito pumasok sa eksena sila Margaux at Vince maiinlove sila sa isa't isa—
"Casts, assistant directors, etc,etc. We will start now!" sabi ni Direk Ferdy kaya nagsisunuran na kami.
***