"Now, welcome to hell, Michelle! Let's start the party right here." ani Yvonne "Ano'ng gagawin mo, Yvonne? Buntis ang anak ko. Huwag mo na siyang idamay dito, ako nalang!" bulalas ni Albert. Napapalakpak naman si Yvonne sa suhestyon ng matanda. "Brilliant idea, Sir! Boys!" May pumasok na dalawang kalalakihan sa silid at kinuha si Albert mula sa kinaroroonan nito at nilabas ng silid. Bigla namang kinabahan si Michelle sa maarinf sapitin ng kanyang ama. "Ano'ng gagawin mo kay Papa?" "Bakit ako tinatanong mo? Ako ba may hawak sa Papa mo? Besides, wala akong binigay na instructions sa kanila!" "Ang sama mo talaga. " Binigyan ni Michelle ng madiin at masakit na sampal si Yvonne na sinundan naman ng pagsabunot sa buhok nito. Sinusubukang lumaban ni Yvonne pero hindi niya ginagawa. N

