"Michelle, p'wede ka bang makausap?" tanong sa kanya ni Sushi. Nasa kalagitnaan ng pagkakabisa ng mga linya sila Michelle ng biglang dumating si Sushi sa kinaroroonan nila. Tumango naman si Michelle sa tanong nito at sumunod kay Sushi papunta sa isang sulok ng silid. "Ano ba `yong pag-uusapan natin?" tanong nito. "Hindi ba, kinasal na kayo ni Troy? Bago ba kayo ikasal, um-attend na ba kayo ng seminar? `Yong pre-cana or marriage preparation seminar?" tanong nito ulit. "Oo. Kahit civil wedding pa lang kami no'n, naisipan pa rin namin ni Troy na um-attend kami ng pre-cana para kahit papaano, matuto pa rin kami. And besides, requirement `yon para sa church wedding. Kaya lang rin naman kami um-attend do'n para sa pagbalik ni Troy, kapag matutuloy na `yong church wedding namin, `yong canoni

