Chapter 11

1356 Words
"BOSS ito na ang mga kailangan nyo." "Just put it there. Thanks Art." Inilapag ni Art sa office table ang mga dokumento na pinapakuha nya. Tutok na tutok sya sa laptop nya habang may tinitipa. Bumaling naman sya sa isa pa nyang laptop kung saan nakalahad ang mga dokumento kung saan napupunta ang pera. Bumaling sya sa isa pa nyang laptop at tiningnan ang CCTV footage ng buong kompanya nya.  Napasandal sya sa swivel chair saka hinilot ang sumasakit nyang ulo. Ilang araw na sya sa Singapore at hanggang ngayon ay nire-review nya pa ang lahat ng dokumenyo. Ilang araw na din syang hindi nakakatawag kay Cray dahil sa tutok na tutok sya sa trabaho para mas madali syang matapos at makauwi na agad. Gusto na nyang umuwi dahil nami-miss na nya ang binata. Ipinikit nya ang mga mata. Napangiti sya ng mukha ni Cray na nakangiti ang nakita nya. Sadness cross on her lips. She really miss Cray. How can she wish she can go home soon. She really wanted to see Cray. Hindi na alam kung normal pa ba ang nararamdaman nya para sa binata. Kung gusto nga lang ba talaga ang nararamdaman nya para dito o iba na. Napabuntong-hininga nalang sya. Tinanggal nya ang suot na salamin saka tinawag si Art, ang sekretaryo nya. "Yes boss?" Tanong nito ng makapasok ito sa opisina nya. "Buy a lunch." Maikli nyang ani saka ibinalik ang salamin sa mga mata at bumaling sa laptop nya. "Yes boss." Sumalodo pa ito bago umalis. She really need to finish everything so she can go home already. "WE'RE HERE BOSS." Anunsyo ni Art ng makalapag ang private airplane nila sa private land ng mga Finn. "Sa wakas nakauwi na din. Finally I can have a good night sleep." Napailing sya sa sinabi nito. Kung sya ay hindi nakatulog ito din, dahil hindi sila tumigil hangga't hindi nareresolba ang problema. And thank God, after a week naayos na nga. And now she's going home. She's going to see Cray again. She misses Cray. Isang linggo din syang walang balita at komyunekasyon dito dahil tutok nga sya sa pagreresolba sa problema ng kompanya nya. It's already midnight kaya alam nyang natutulog  na ang mga binata. Hindi na din nya pinaalam sa lolo nya na uuwi na sya dahil baka sabihin nito sa mga binata at malaman pa ni Cray na uuwi na sya. She wanted to surprise Cray. Hindi nya maiwasang mapangiti habang nilalakbay nila ng driver papunta sa bahay nya. Nang makababa sya sa sasakyan ay pumasok agad sya sa bahay. Gusto na nyang magpahinga kaya dumiretso sya sa taas kung saan ang kwarto ni Cray para silipin ito. Gusto nyang makita muna ang maamo nitong mukha bago matulog. Pero bago pa sya makapunta sa kwarto ng binata ay napahinto sya at sinilip ang veranda ng may maaninag sya ng dalawang bulto ng tao don. Lumapit sya doon at tiningnan kung sino ito. Hating gabi na kaya nagtataka sya kung bakit may tao pa sa veranda ng bahay nya. Napakunot-noo sya ng marinig ang boses ng isang babae. Kailan pa nagkaroon ng babae sa bahay nya maliban sa kanya. "I know you love me, bakit ba ayaw mong aminin?" tanong nito sa kausap. "I still love you, bumalik ako para sayo. I'm ready to win your heart." May pagsusumamo nitong sabi. "PPlease, give me a chance. I love you." Hindi nya ugali ang makielam at makinig ng usapan na hindi naman sya kasali pero parang may nagtutulak sa kanya na makinig sa usapan ng mga ito at gusto nyang malaman kung sino ang kausap ng babae. Gusto nya din malaman kung sino ito at anong ginagawa nito sa bahay nya. Sinilip nya kung sino ang kausap ng babae at ganon nalang ang paglaki ng mga mata nya ng makitang si Cray pala ang kausap nito. Nanikip ang dibdib nya ng makitang hinalikan ito ng babae. Gustong bumagsak ng mga luha nya dahil sa nasaksihan pero pinigilan nya. No. She's strong. Hindi sya iiyak ng dahil lang sa lalaki. Sa lalaking pinasaya sya at ang lalaking nagpangiti sa kanya. Huminga sya ng malalim bago tumikhim para makuha ang atensyon ng dalawang naglalandian sa loob ng pamamahay nya. BIGLANG natulak ni Cray si Ashley mula sa pagkakahalik nito sa kanya ng makarinig sya ng tikhim. Ganon nalang ang pagkagulat at pagkakaba nya ng makita ang dalaga na isang linggo nya ding hindi nakita. "Miho, Let me explain. It's not what you think." "Who are you?" Napalunok sya ng marinig muli nya ang malamig nitong boses. Ang boses nito na kasing lamig ng yelo. Ganon ang boses nito ng una nya itong makita at makilala. Hindi ito sa kanya nakatingin kundi sa katabi nya. ‌Nakita nyang napalunok si Ashley. Kahit sino naman kasing makakita kay Miho na ganon makatingin ay matatakot talaga. "Ahm..." Tumikhim ang dalaga bago nagsalita ulit. "Ashley Tonzo, manager nina Cray." Inilahad nito ang kamay para makipag-kamay kay Ice. Imbis tanggapin ni Ice ay tinitigan lang nito ang kamay ni Ashley. Nahihiya namang ibinaba ni Ashley ang kamay ng hindi nito tinanggap ni Ice. "Eh ikaw? Sino ka?" Napailing nalang sya ng tumokar ang pagkamaldita nito. Isa sa mga ugali nito ang hindi nya nagustohan. May pagka-brat kasi si Ashley. Buti nalang hindi ganon ang ugali ng kapatid nito na si Asher. Ice looked at Ashley coldly and deadly. No emotion can read on her face and he can see a dark aura surrounding at Ice. "Ice Finn." Formal na pakilala nito. "Owner of the house." Napalunok ulit si Ashley sa sinabi ni Ice. Napailing ulit sya, hindi muna kasi magtanong. Tinalikuran na sila ni Ice at bago pa nya matawag ito para magpaliwanag sa nakita ay nagsalita ulit ito ng hindi sila nililingon. "And for your f*****g information, this is my house. No flirting allowed. And if you want to flirt with each other, you can go to hell and do whatever you want." Hindi na sya nakapagsalita pa hanggang sa mawala ito sa paningin nya. Damn! She's mad. He can tell that cause Ice just curse at them. Napatakip sya sa bibig. Anong gagawin? Nahirapan nga syang paamohin si Ice nong una pa lang silang magkakilala, paano pa kaya ngayon na may kasalanan sya? "Ang sungit naman pala ng apo ni CEO Finn." Naiinis syang bumaling sa katabi. "Bakit mo ba kasi ako hinalikan?" mahina nyang sigaw dito. Halatang nagulat ang dalaga sa naging sigaw nya dahil nakatingin ito sa kanya ng hindi makapaniwala. "I-I just did it..." Napatungo ito. "because I love you." "But I don't love you. Ilang bese ko bang sasabihin sayo na hindi kita gusto!" "Bakit hindi? Ano bang wala sa akin na hindi mo magustohan? Maganda naman ako at kaya kung gawin lahat ng gusto mo." Nilapitan nya ito at hinawakan sa magkabilang balikat. Kitang-kita sa mata nya ang galit. "Hindi mo ba naiintindihan? Hindi.na.kita.mahal. Nakikita mo 'yon?" Turo nya sa dinaanan ni Ice. "Sya si Ice, ang babaeng mahal ko. Kaya itigil mo na ang kahibangan mo dahil kahit kailan hinding-hindi kita magugustohan." Binitawan nya ito saka umalis. Naiinis sya kay Ashley, dahil dito ay galit tuloy sa kanya si Ice. Pero mas naiinis sya sa sarili nya dahil ni hindi man lang nya napigilan ang paghalik nito sa kanya. Hindi din naman kasi nya inaasahan na hahalikan sya ni Ashley. Hindi nya inakala na ganon ito kadesperada na makuha sya. Agad nyang tinungo ang kwarto ni Ice saka pinihit ang seradura pero ganon nalang ang panlumo nya ng naka-lock ito. Kumatok sya. "Ice? Alam kong nandyan ka. Please, talk to me. Let me explain. Mali ang pagkakaintindi mo sa nakita mo." Ilang beses syang kumatok at tinawag ang pangalan ng dalaga pero wala syang nakuhang respond mula dito. Nauntog nya ang ulo sa pintuan ng kwarto ni Ice. "Ice." Ilang minuto syang nakatayo don pero hindi sya pinagbuksan ng dalaga. Nanlulumo syang bumalik sa kwarto nya at pabagsak na nahiga sa kama. Imahe ni Ice kanina ang nakikita nya. Napabuga sya ng hangin. Kailangan nyang suyoin ang dalaga, hindi pwedeng magkaaway sila. Mahal nya ito kaya hinding-hindi nya ito papakawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD