"CRAY!"
Agad syang napatayo at mabilis na tumakbo papunta sa stage nang makita ang mangyari. Biglang natumba ang binata, pero alam nila na hindi lang ito basta natumba dahil sumigaw ito at bumalatay ang sakit sa mukha nito.
"Arrgh!"
"Cray! Masakit?" Nag-aalalang tanong ni Asher.
"Arrgh! Ang sakit ng paa ko." Nahihirapang sabi nito.
"Let's take him to the hospital." Utos n
Inalalayan naman ng ilang crew si Cray para mailabas sa building at maisakay sa sasakyan.
NAPATINGIN sya kay Cray na parang wala sa sarili. Tulala lang itong nakatingin sa paa nyang nakabenda. Hinihintay lang nila ang resulta ng examine tungkol sa kondisyon ng paa ni Cray.
Napabuntong hininga sya saka pinag-cross ang mga braso sa harap ng dibdib. Tinawagan na nya ang lolo nya tungkol sa nangyari. Sya muna daw ang bahala dahil nasa ibang bansa ito at may inaasikaso.
Napatingin sya sa pintuan ng bumakas ito. Agad syang tumayo saka lumapit sa doctor.
"How's he doc?" Tumayo sya sa gilid ni Cray.
"Na-sprain ang ankle nya kaya sumakit ito. He need to rest his feet in a week..."
"In a week?" Sabad ni Cray na hindi makapaniwala sa sinabi ng doctor.
"Yes Mr. Sandoval. Kailangan mong magpahinga ng isang linggo."
"Pero kailangan kong mag-insayo doc."
"I know. But you really need a rest, kapag pinagpatuloy mo ang kagustohan mo ay mamaga ito. Mas matatagalan ang paggaling ng paa mo."
"No. I need to..."
"Thank you doc." Singit nya sa iba pa sanang sasabihin ni Cray.
Tumango ang doctor bago lumabas. Tiningnan nya si Cray na ngayon ay parang galit sa mundo dahil sa nakabusangot na mukha nito.
"Iwan nyo muna kami."
Nagsitanguan ang apat saka sabay-sabay na lumabas. Nang makalabas ang mga ito ay umupo sya sa gilid ng hospital bed ng binata.
"Cray, you need to listen. You need to rest." Hinawakan nya ang kamay nito pero sa gulat nya ay marahas itong binawi ng binata.
"No! I need to practise." May diin nitong sabi. "Kailangan kong mag-practise para sa concert!"
"Pero kailangan mong magpahinga. Narinig mo naman ang sinabi ng doctor di ba? Kapag pinilit mo ang gusto mo ay mas lalala ang paa mo." Huminga sya ng malalim.
Hindi sya sanay sa mga ganito. This comforting thingy. Madalas kalma lang sya. Kapag may nangyayaring ganito ay hindi sya nagsasalita. Kapag matigas ang ulo ng mga kaibigan nya ay naiiling nalang sya.
"Alam ko ang nararamdaman mo Cray."
"No, you don't!" Tiim bagang nitong sabi. "Hindi mo alam ang nararamdaman ko. Isa ka bang Idol para malaman mo? Nag-perform ka na ba sa stage? Kapag malapit na ang concert at nagka-sprain ang paa mo dahilan para hindi ka maka-perform. Naramdaman mo na ba 'yon? Hindi di ba? Kaya wag na wag mong sasabihin sa akin na naiintindihan mo ang nararamdaman ko."
Napatungo sya. Tama nga naman ang binata. Paano nya maiintindihan ang nararamdaman nito kung hindi pa nya nararanasan ang ginagawa nito?
Parang may sumakal sa puso nya. Bakit ba sya nasasaktan? Bakit ba parang ang sakit ng puso nya? Hindi nya maintindihan ang sarili.
Gusto lang naman nyang i-comfort ang binata. She try her best to make him feel better. Is her trying was not enough? Mali ba ang way nya sa pag-comfort dito? Marahan syang napahilamos sa mukha.
"Your right." Mahina nyang sabi. "Hindi ko nga alam ang nararamdaman mo." Tumayo sya saka tumalikod sa binata. Ayaw nyang makita nito na nasasaktan sya. "I'm just trying to comfort you the way that I know. Pero sa tingin ko mali." Huminga sya ng malalim. "Hindi ko man nararamdaman ang nararamdaman mo ngayon, pero nag-aalala lang ako sayo. I want you to rest not because I'm stopping you from the thing you love but because I care for you."
NAPAKAGAT-LABI si Cray ng lumabas si Ice. Her word... It sounds like... She's hurt. At dahil 'yon sa kanya.
"Damn it!"
Sinuntok nya ang hospital bed sa sobrang frustration. Kahit hindi nya nakikita ang mukha kanina ni Miho habang nagsasalita ito ay ramdam naman nya sa pananalita nito na nasasaktan ito. At dahil 'yon sa kanya, dahil sa mga sinabi nya.
Hindi naman nya sinasadya na mapagsalitaan ng ganon ang dalaga. Nadala lang sya sa inis. Kung kailan malapit na ang concert nila ay doon pa nagka-problema ang paa nya.
Ayaw nyang umabot sa araw na concert na nila at masakit parin ang paa nya. Hindi sya makakapagsayaw, 'yon pa naman ang pinakagusto nya. Ang sumayaw. Naranasan na nyang kumanta lang sa concert habang nakaupo dahil sa nangyari din sa paa nya.
Sinabihan na sya ng doctor na ipahinga ang paa pero sadyang matigas ang ulo nya. Kaya mas namaga at sumakit ang paa nya, kaya ang resulta nakapag-perform sya habang nakaupo at ang pinaka-worst na nangyari dahi sa katigasan ng ul nyaolay hindi sya nakapag-perform.
Ayaw na nyang mangyari 'yon. One week is long enough rest for him. Ilang araw nalang ay concert na nila, kapag nagpahinga sya ay may chance na hindi sya makapagsayaw. Alam nya kapag nakapagpahinga sya ng isang linggo ay hindi pa sya tuloyang magaling kaya may posibilidad na hindi sya makapag-perform.
Napapikit sya ng mariin ng maalala na naman ang boses ni Ice. Dapat nag-isip muna sya ng mabuti bago nagsalita para hindi nya napagsabihan ng ganon ang dalaga. Gustong-gusto nyang suntukin ang sarili sa nagawa. Pero alam nyang walang magbabago. Tapos na. Nasabihan na nya ito ng hindi maganda, ang tanging magagawa nya lang ay humingi ng sorry dito.
Sana nga lang hindi magalit sa kanya ang dalaga ng matagal. Dahil hindi nya kakayanin na magalit sa kanya ang dalaga.
Napatingin sya sa pintuan ng bumukas ito, umaasa na bumalik ang dalaga. Pero bagsak ang balikat nya ng ang mga kaibigan nya lang pala ito. Tahimik itong pumasok at pinagmasdan sya.
Alam nyang naaawa ang mga ito sa kanya. Lahat naman sila ay nakaranas ng ganitong sitwasyon kaya alam ng mga ito ang nararamdaman nya.
Tumikhim sya bago nagsalita. "Si Miho?"
Nagsitinginan ang apat bago sumagot si Asher. "Umalis. May pupuntahan muna daw sya."
Siguro umalis ito dahil sa ginawa nya.
"Anyway, makakalabas ka na din ngayon. Pwede ka na daw sa bahay magpahinga." Dagdag ni Kaiden na inaayos ang gamit nya.
Hindi na sya nagsalita pa. Naiintindihan nya kung bakit umalis ang dalaga. Sa ngayon ay bibigyan nya muna ito ng space. Sana nga lang ay hindi matagal.
HINDI na bumalik pa si Miho sa hospital. Nang makalabas sila sa hospital ay umaasa sya na may Miho na sasalubong sa kanya pag-uwi pero bigo sya. Wala man lang syang kahit anino ng dalaga na nakita ng makauwi sila.
Tulala syang nakatingin sa kisame. Maaga na pero nakahiga parin sya. Ni hindi nga sya pinapayagan ng apat na bumaba o maglakad man lang. Kailangan nya daw magpahinga.
Hindi na sya nag-abala pang tingnan kung sino ang pumasok sa kwarto nya. Ni tumingin ay wala syang gana. Nababagot sya sa kahihiga sa kama. Gusto nyang maglakad man lang sana para maibsan ang pagkabagot nya.
"Kain ka na." Inilapag ni Kaiden ang dala nitong pagkain sa tray.
Hindi sya nagsalita, nakatingin parin sya sa kisame. Bumuntong-hininga ni Kaiden.
"Kumain ka na ng madali kang gumaling."
"Yeah right." He snorted. Umupo sya at sumandal sa headboard. Huminga ng malalim. "Si Miho?"
Wala syang balita tungkol sa dalaga simula ng umuwi sila galing hospital. Ni hindi man lang sya nito dinalaw kagabi.
"Hindi sya umuwi kagabi." Napabuntong-hininga nalang sya. Malamang galit sa kanya ang dalaga. "Magkagalit ba kayo?"
Malungkot syang tumingin sa kaibigan. "Mukhang galit sya sa akin eh."
Ang kaibigan naman nya ang napabuntong-hininga. "Napagsalitaan mo sya ng hindi maganda?" Hindi sya nakasagot.
Alam naman kasi ng mga kaibigan nya na kapag nangyayari sa kanya ang bagay na gaya ng nangyari sa kanya ngayon ay nai-stress sya, kaya ang resulta ay mainit ang ulo nya.
"Nag-aalala lang naman sayo 'yong tao dude. Sana man lang inintindi mo, kasi sinusubukan ka din nyang intindihin."
"I know. Gusto kong mag-sorry sa kanya, kaso mukhang nagpapahangin pa sya."
Tinapik ni Kaiden ang balikat nya. "Magiging okay din kayo." Tumayo na ito. "Kumain ka na. Aalis na din kami, kung may kailangan ka tawagan mo lang kami."
Tumango sya. "Okay. Thanks dude." Papalabas na sana sa kwarto si Kaiden ng tawagin nya ito. "Paki-text nalang ako dude kapag nakita mo si Miho."
"Yes sir." Natawa nalang sya ng sumaludo pa ito.
Napabuntong-hininga ulit sya ng makarinig sya ng ingay ng sasakyan na papalayo. Napatingin sya sa kawalan. Here he is again. Lying in the bed, resting and doing nothing. Another boring day on his life.
Kinuha nalang nya ang tray na may pagkain saka kumain. Nang matapos ay kinuha nya ang phone saka in-open ang social media. Nang mapagod ay napag-desisyonan nya na matulog nalang.
NAGISING ang diwa ni Cray ng marinig nya ang pagbukas ng pinto. Hindi nya binuksan ang mga mata para tingnan kung sino ang pumasok. Hindi nya din alam kung may araw pa ba o wala na.
Bumilis ang t***k ng puso nya ng maamoy ang pamilyar na pabango. Kahit nakapikit ang mga mata ay kilala nya ang pumasok. Hindi nya pwedeng makalimotan ang pabango ng babaeng bumabaliw sa kanya.
Narinig nya ang yabag nito papalapit, ang sunod na narinig nya ay ang paglapag nito ng bagay sa side table nya. Ilang minuto syang naghintay na magsalita ang dalaga pero hindi ito nagsalita. Nang maramdaman nyang papaalis na ito ay agad nyang hinawakan ang kamay nito para pigilan.
Minulat nya ang mga mata, mas bumilis ang t***k ng puso nya ng magtama ang mga mata nila.
"Miho." Tanging 'yon lang ang lumabas sa bibig nya.
Tinitigan lang sya ng dalaga. Hindi ito nagsalita. Ilang minuto sya nitong tinitigan saka bumuntong-hininga.
"Dinalhan kita ng merienda. Magpahinga ka pagkatapos." Turo nito sa tray na nasa bedside table.
Hindi nya pinansin ang sinabi nito at nakatitig lang sya sa dalaga. Malungkot syang tumingin sa dalaga.
"Galit ka pa rin ba?"
Ngumiti ito sa kanya dahilan para mawala ang pagkabahala nya.
"No." Hinaplos nito ang pisngi nya. "Tama ka naman eh. Wala akong karapatan na sabihin na alam ko ang nararamdaman mo kung hindi ko pa ito nararanasan. I should..."
Napatigil ito sa pagsasalita ng inilagay nya ang hintuturo sa mapupula nitong labi.
"Shh... No, your not. Alam ko naman na sinabi mo 'yon just to comfort me. I'm sorry if I didn't see that." Sya naman ang humaplos sa pisngi nito. "I'm sorry for saying that hurtful words." Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita ulit. "For hurting you."
"It's okay."
"Am I forgiven?"
Tumango ito. "Yes. Matitiis ba naman kita?"
Tumawa silang dalawa. Nagtitigan ng ilang minuto saka nya ulit ito niyakap. Na miss nya ito, kahit ilang oras nya lang itong hindi nakita.
NAPATINGIN si Ice sa kaibigan nya na tulalang nakatingin sa kawalan. Nilapitan nya ito saka tinapik ang balikat dahilan para makuha nya ang atensyon nito.
"Problema?"
Umupo sya sa katabi nitong stool. Nasa bar sila ngayon, ayaw nya sanang pumunta kaso ay pinilit sya ni Aiden, mukhang may problema daw si Zaver. Kaya kahit ayaw nya ay pumunta sya para sa kaibigan.
"I'm so f*****g f**k up." Napataas sya ng kilay ng napasabunot ito sa sariling buhok.
"Ow-kay." Wala syang ibang maikomento. Gaya ng sabi nya hindi sya magaling sa comfort thingy. "Ito lang masasabi ko bro, kung saan ka masaya. Kung saan ito masaya." Tinuro nya ang bandang dibdib nito kung saan ang puso. "Doon ka. Sundin mo, dahil kapag masaya ang puso mo sigurado akong magiging masaya ka din. Kung hindi mo man makuha ang babaeng gusto mo." Napatitig sa kanya ang binata ng maigi. Nginitian nya ito. "Eh di kunin mo kahit na anong mangyari. If you see the person that make your heart best so darn fast." Tinapik-tapik nya ang balikat nito. "Don't let her go. I'm telling you." Inilapit nya ang bibig sa tenga nito. "She's the one."
Gusto nyang tumawa ng malakas. 'Yong sobrang lakas na sasakit na ang tyan nya sa kakatawa. Where the hell did she get that advice?
Napailing sya saka inisang lagok ang hawak na baso na may alak. Mukhang nahawa sya sa ka-corny-han ni Cray. Ang lalaking kahit kailan ay hindi nilulubayan ang isip nya.