TAHIMIK ang hallway ng isang opisina sa Senado. Magkatabing naglalakad sina Vic at Angelo. Parehong seryoso ang mukha. Halata ang pagod, pero mas nangingibabaw ang kagustuhan na makakuha ng hustisya...
“Are you sure about this, Pa?” mahina na tanong ni Angelo.
Tumango si Vic.
“Si Senator Abraham lang ang nakikita kong pwede nating lapitan. Napanood mo sa TV na bukas siya sa lahat ng tulong, wala naman masama na magbakasali anak. Alam kong hindi siya nabibili,” sagot niya. “Kung may isang taong hindi kayang bilhin ng mga Gallarzo… siya ‘yon.”
Huminga ng malalim si Angelo.
“Then let’s do this.”
Ilang sandali pa, pinapasok sila sa opisina. Simple pero maayos ang opisina... Walang sobrang display na makikita sa opisina nito.. Nakatayo si Senator Abraham sa likod ng mesa niya.
“Mr. Vic Craig, ” bati nito habang lumalapit. “Please, sit.”
Nagkamayan sila.
“Salamat po sa oras ninyo, Senator,” sabi ni Vic.
“Of course,” sagot nito. “I was told this is urgent.”
Umupo sila.
“Senator…” panimula ni Vic, halatang mabigat ang sasabihin. “Kailangan po namin ng tulong. Wala na kaming ibang malapitan.”
Napatingin si Senator Abraham sa kanya.
“About your daughter?” tanong niya.
Nanlaki ang mata ni Angelo.
“You’ve seen the news?” tanong ni Angelo..
Tumango ang senador. “Yes. Alejandra Gallarzo.”
“Senator,” dagdag ni Vic, “hindi po kami naniniwala.”
“You don’t believe she’s dead?” tanong ng senador.
Umiling si Angelo.
“No, sir,” sagot niya. “Something’s wrong.”
Napakunot ng noo ang senador. “Explain.”
Huminga ng malalim si Vic. “Ang anak ko…” sabi niya, nanginginig ang boses, “hindi siya basta-basta mawawala nang ganun.”
“Hindi aksidente ang pakiramdam namin,” dagdag ni Angelo.
“Then what is it?” tanong ng senador.
“Pinatay siya.”
Napatigil ang senador.
“That’s a serious accusation,” sabi niya.
“Alam namin,” sagot ni Vic. “Pero kilala namin ang anak namin. At kilala namin ang taong huling kasama niya—kasama niya sa buhay niya,” dagdag ni Angelo.
“SIno?”
“Congressman Hugo Gallarzo.”
Mabigat ang hangin sa loob ng opisina. Napatingin ang senador sa kanila, mas seryoso na ngayon.
“You’re accusing a sitting congressman,” sabi niya.
“Yes, sir,” sagot ni Angelo. “And we’re not saying this lightly.”
“May mga nangyari po bago ito,” sabi niya. “Hindi namin maipaliwanag lahat pero sigurado kami na may mali.”
Napatingin si Senator Abraham sa kanila, sinusuri ang bawat salita.
“And what exactly do you want from me?” tanong niya.
“Katarungan,” sagot ni Vic.
“Katotohanan,” dagdag ni Angelo. “We want the truth.”
Maya-maya, tumayo si Senator Abraham at naglakad papunta sa bintana. Pinagmasdan niya ang labas.
Pagkatapos ay bumalik siya sa mag-ama…
“Listen carefully,” sabi niya. “Kung totoo ang sinasabi ninyo… this is not just a case, malaking iskandali ito kapag pumutok sa media.”
Nagkatinginan sina Vic at Angelo.
“At kapag pumasok kayo dito,” sabi niya, “walang atrasan.”
Tumango si Vic. “Handa po kami. Lalaban kami Senator. “
Napatingin siya kay Angelo.
Tumango rin ito.
“Yes, sir.”
Tahimik sandali ang senador
“Alright,” sabi niya.
Nanlaki ang mata ni Angelo.
“I’ll help you.”
Napahinga ang maluwag si Vic.
“Pero…” dagdag ng senador, “we do this by the book. No shortcuts. No reckless moves. Kailangan alam ko ang ginagawa ninyo. Ayokong magsinungaling kayo sa akin. Lahat ng detalye kailangan kong malaman.
Tumango si Angelo at ang ama..
“Una,” sabi ng senador, “kailangan nating ma-verify ang death report. Second, we investigate quietly. At pangatlo…”
Tumigil siya sandali.
“We gather evidence strong enough to bring him down.”
Sa loob ng opisina tahimik ang opisina habang nakaupo sina Vic at Angelo sa harap ng mesa. Nakatitig sa kanila si Senator Abraham, kalmado, pero halatang iniintindi ang bigat ng sitwasyon.
“Sir…” panimula ni Vic, mabigat ang boses, “hindi lang po namin gusto ng imbestigasyon.”
Napatingin ang senador sa kanya.
“Gusto naming makuha ang bangkay ng anak ko,” diretso niyang sabi. “Mula kay Hugo.”
Nagkatinginan sandali sina Angelo at
ang senador. Dahan-dahang umupo si Senator Abraham ng maayos.
“Mr. Vic,” sabi niya ng mahinahon,“kailangan ninyong maintindihan nalegal na asawa si Hugo.”
Napahigpit ang kamao ni Vic.
“May karapatan siya sa katawan ng asawa niya,” dagdag ng senador. “Under the law, siya ang primary next of kin.”
“Alam ko po yun, Senator,” mabilis na sagot ni Vic.
“Pero hindi po kami titigil doon,” dagdag niya.
Napatingin si Angelo sa ama niya.
“Magde-demand kami,” sabi ni Vic. “Ng autopsy at DNA testing,” tuloy ni Vic.
Tahimik ang senador, nakikinig.
“Gusto naming makasigurado na ang bangkay na iyon ay talagang anak ko,” ani pa ni Vic..
Napatingin si Angelo sa senador.
“Sir,” sabi niya, “pwede namang may foul play, hindi ba?”
Napabuntong-hininga si Senator Abraham. “You’re right,” sabi niya sa wakas. “Possible ang foul play. At kung may duda kayo,” dagdag ng senador, “may karapatan kayong humiling ng independent autopsy—- pero…” dagdag ng senador, “hindi ito magiging madali.”
“Bakit po?” tanong ni Angelo.
“Because you’re going against a powerful man,” sagot niya. “At siguradong haharangin niya ‘yan pero kung handa kayo…” dagdag niya, “we can file a formal request.”
Tumango si Vic “Handa kami.”
“Then we do this legally,” sabi ng senador. “We demand custody for examination purposes. And we make it official.”
Napatingin si Angelo sa ama niya…May pag-asa.
“Senator,” sabi ni Vic, “kahit ano pong mangyari kailangan ko lang makita ang anak ko.”
Nakita ni Abraham ang sakit sa mga mata ng ama.
“Alright,” sabi niya. “I’ll help you.”
Nanlambot ang balikat ni Vic.
“Pero tandaan ninyo,” dagdag ng senador, “kapag ginawa natin ito… mag-uumpisa na ang banggaan. Between you… and the Gallarzos.”
“Then so be it,” sabi ni Angelo…
Pagkatapos ng mahabang araw sa opisina, hindi pa rin natatapos ang trabaho ni Abraham. Nasa loob siya ng sasakyan, tahimik, hawak ang tablet habang binabasa ang case file.
Alejandra Gallarzo. Asawa ng isang makapangyarihang kongresista. Declared dead—vehicular accident. Pero para kay Abraham, hindi iyon sapat.
“This doesn’t add up…” bulong niya habang ini-scroll ang report.
Bilang senador at abogado, sanay siya sa mga ganitong kaso. Too clean. Too convenient.
“Possible foul play,” mahina niyang sabi sa sarili.
Pinikit niya sandali ang mata niya.
“Kung totoo ang sinasabi ng mag amang Craig kanina…” dagdag niya, “then this is bigger than it looks.”
Napabuntong-hininga siya at isinara ang tablet.
“Tomorrow,” sabi niya sa sarili. “I’ll dig deeper.”
Pagdating niya sa bahay..Madilim ang sala. Tahimik.
“Strange…” bulong niya habang naglalakad papasok.
Biglang sunod sunod-sunod ang pagbukas ng ilaw. Nagliwanag ang buong bahay.
“Happy 37th birthday, anak!”
Napahinto siya. Napatitig sa harap niya ang buong pamilya niya, nakangiti ang ina at may hawak na cake. Nasa gitna ang ina niya, masaya ang mukha.
“Oh my God…” napailing siya. “I forgot.”
Napatawa ang ina niya.
“Alam ko,” sabi nito. “Sobrang busy ka na naman sa trabaho.”
Lumapit ito at inabot ang cake.
“Make a wish.”
Ngumiti si Abraham..
“Later,” sabi niya. “I just got home.”
Ilang sandali pa, nakaupo na sila sa dining table. Kompleto ang pamilya. Masaya at .aingay.
Pero sa isip ni Abraham nandoon pa rin ang kaso. Tahimik siya habang kumakain.
“Anak,” sabi ng ina niya, “huwag mong kalimutan na magpahinga minsan.”
“I’m trying, Ma,” sagot niya, bahagyang ngumiti.
Biglang may nagsalita mula sa kabilang side ng mesa.
“Hindi ka kasi marunong mag-balance,” sabi ng babae.
Napatingin si Abraham.
Si Amber.
Nakaayos. Maaliwalas ang mukha. Halatang pinilit maging presentable para sa okasyon.
“And that’s why you need someone like me,” dagdag nito, nakangiti.
Napakunot ang noo ni Abraham.
“Excuse me?” tanong niya.
Napatawa si Amber.
“I mean… someone who can take care of you,” sabi nito. “You work too much.”
Napatingin ang ina ni Abraham sa kanila, halatang may alam.
“Amber has a point,” sabi nito. “Matagal na kayong magkaibigan.”
Napabuntong-hininga si Abraham.
“Friends,” diin niya.
Pero hindi nagpatalo si Amber. “Maybe more than that,” sagot nito, bahagyang ngumiti.
Tahimik ang mesa sandali. Hindi siya sumagot. Sa halip, uminom lang siya ng tubig. Sa loob-loob niya..“This is not what I need right now.”
Habang nagpapatuloy ang dinner, masaya ang pamilya niya pero si Abraham..Tahimik. Nakatitig sa pagkain pero hindi talaga nakatutok doon ang isip niya.
Nasa ibang lugar. Sa isang bangin. Sa isang bangkay. Sa isang babaeng maaaring hindi talaga patay. At sa isang lalaking kayang itago ang katotohanan.
Napahigpit ang hawak niya sa kutsara.
“This case…” bulong niya sa isip. “is not over.”
At kahit birthday niya alam niyang wala pa siyang pahinga. Dahil ang laban na papasukin niya hindi lang basta kaso. Kundi laban sa kapangyarihan. Hindi niya maintindihan kung bakit hinihila siya ng kaso ni Alejandra Gallarzo..