"H-Hello, Mr. Dela Vezca?" "Rozzean. I heard what happened in the bar. Nagkausap kami ng anak ko." Sht. "I-I am sorry if I lose my--" "Thank you for saving my daughter." Napahinto ako sa pagsasalita dahil sa kaniyang sinabi sa akin. Sa totoo lang ay ilang beses ko nang nais na lapitan ang anak niya, gustong-gusto ko nang yakapin si Thaliana, kausapin at sabihin sa kaniya na hindi na ako galit. Nais kong humingi ng tawad sa mga nasabi ko pero hindi ko magawa dahil nais kong tumupad sa usapan. "Nandito na siya sa bahay and she's safe. Thank you, Rozzean." "That's the only thing I can do for her, Mr. Dela Vezca. P-Pero hindi ko siya nilapitan o kinausap. When I heard her call my name I went out of the bar immediately. Tutuparin ko pa rin po ang pinag-usapan natin." Hanggang ngayon ay

