"S-Sir--" Nagulat ako nang hilahin ni Rozzean ang aking kamay at ilagay niya ako sa kaniyang likuran. Nakita kong tumingin si Luther, bumaba ang kaniyang mga mata sa kamay ko na hawak ng kaniyang kapatid. "You can wait inside my house, Luther." Malamig ang boses niya nang sabihin iyon sa kaharap. Ako naman ay hindi maalis ang kaba sa aking dibdib kahit na sinabi ni Luther kanina na hindi niya sasabihin kay Rozzean ang totoo. Sa sinabi niya kanina bago kami malapitan ni Rozzean ay narinig ko na mag-uusap kaming muli. Ibig sabihin ay hindi ako maaaring magpakampante. "Ang bilis mo naman makabalik, Cyron. Nasa sampung minuto pa lang ang nakalipas nang mag-mensahe ako na narito sa bahay mo. Ano ang nangyari sa lakad mo?" tanong ni Luther. Napatingin ako kay Rozzean, oo nga pala! umalis

