Napahikbi ako. Masakit naman talaga na makita si Rozzean at si Klari na magkasama pero iyon na ang senyales para idiretso ko ang planong pagkalimot sa kaniya. Ilang beses niya akong tiningnan kanina kahit nasa tabi niya ang babaeng iyon pero hindi ko bibigyan ng malisya. "Kahit pa sinabi mong I m-miss you s-so much! hmmp! hindi ako maniniwala!" Tumayo ako at pumunta sa cr nang makaramdam ng pagsusuka. Naparami talaga ang inom ko dahil sa mga naganap ngayong gabi. Klari was also testing my patience. Kanina ay binuksan niya ang topic tungkol sa katulong ni Rozzean--that was me. I saw Tito Royce changed his expression. Malamang mag-iiba dahil alam niya na na-in love ang anak niya sa katulong nito--and that was me, again. "Hmmm..." Nagmumog ako sa sink pagkatapos kong sumuka. Nang mapatin

