Nagpunta ako ng maaga ngayon dito sa bahay ng mga magulang ko dahil mamaya ay magluluto akong muli at pupunta sa bahay ni Rozzean. Kahit na hindi naging maganda ang pagpunta ko kagabi ay hindi iyon nakabawas sa kagustuhan kong muling subukan na makuha ang patawad niya. "What are you doing here early this morning, Tangi?" Nakatayo ako sa gilid ni Daddy habang nagka-kape siya. Nakatago sa aking likod ang mga kamay ko na namumula pa rin dahil sa pagkapaso kagabi. Wala akong sinabi sa kanila na darating ako ngayon. Hindi ako nag-text o tumawag sa mga kapatid ko, wala rin akong mensahe at tawag sa kanila ni Mommy. "I know that look on your face, Tangi." Tumingin sa akin ang Mommy, ngumiti lang siya sa akin at walang sinabi. Kinakabahan ako dahil sa ipagtatapat ko sa kanila pati sa mga kama

