Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga nang marinig ko ang boses niya. "R-Rozzean?" Napatingin ako kay Thes. Nakatayo na ako ngayon at siya ay nakahawak sa akin. "Si Rozzean 'yan?! totoo?" bulong niya. Tumango ako sa kaniya pero ang buong atensyon ko ay nasa kabilang linya. Kay Rozzean na hindi ko inaasahan na tatawag. Pigil ko ang aking paghinga habang hinihintay ko ang boses niya sa kabilang linya. Hawak ko ng mahigpit ang kamay ni Thes dahil sa kaba. He called me! tinawagan niya ako at hindi ako nananaginip! this is his voice! hindi rin ako maaaring magkamali! kilalang-kilala ko ang boses niya, kahit bulong ay malalaman ko na siya. And he said Thaliana! hindi Tali, kung hindi Thaliana! pinatawad na niya ba ako? h-hindi na ba siya galit sa akin? "R-Rozzean? he

