Thaliana Tangi Dela Vezca Nakahiga ako sa aking kama habang nakatingin sa ceiling ng aking silid. Ano na naman ba ang nagawa ko? Bakit mukhang galit na naman siya sa akin? Kanina lang sa gazebo ay may pangiti-ngiti pa siya at panakaw-nakaw ng halik tapos ngayon naman ay ang lamig na naman ng mga tingin niya. Tapos iyong tingin niya pa ay napaka seryoso. "Dahil kaya 'yon kay Luther? napansin niya kaya iyong tensyon sa pagitan namin noong baliw niyang kapatid?" Huminga ako ng malalim. Hindi naman masama ang pakiramdam ko. Namula lang ako kanina dahil sa ginawa ni Rozzean sa gazebo. Tapos naubo ako dahil sa kalokohan ng kapatid niyang si Luther. Oo at mukhang hindi nga niya sinabi kay Rozzean ang totoo tungkol sa akin pero ang ginagawa naman niya ngayon ay pinapatamaan ako. Bumangon a

