Thaliana Tangi Dela Vezca "I will not listen to you! kay Dad ako makikinig!" sigaw ko sa kaniya. Kabado ako. Malayo na kami sa daungan. Hindi ko na 'yon malalangoy at baka mamatay pa ako! ano ba itong nais ni Rozzean? kung gusto niya pala na mag-usap ay bakit dito pa at kaming dalawa lang? Umalis siya sa aking harapan at pumasok sa loob ng yacht. Naramdaman ko na tumigil ang sinasakyan namin sa pag-andar. "Don't make it hard for the both of us, Thaliana," sabi niya nang makabalik. "Hindi kita ibabalik hangga't hindi tayo nakakapag-usap." "This is kidnapping! I will sue you!" Nakangiti lang siya kanina pa habang nakatingin. "Then sue me." Naglakad siya palapit at ako naman ay napaatras. Kay Dad ko gustong marinig kung ano ang mga nangyari dahil maaaring magsinungaling sa akin si Ro

