Chapter 7: Maica Mcfreed. [√]
--
Trixia's Point of view.
"Hi."
Napalingon kaming tatlo nina Hannah. Tumambad sa amin ang isang magandang nerdy girl, may dala siyang bag. From her looks mukhang magkaedad lang kami. Her green hair attracts attention to those around her, mas lalong nakadagdag do'n ang suot niyang salamin. Mukha naman siyang mabait at napakahinhin niyang tignan.
"Hi din! May kailangan ka po?" Bati ko sa kanya.
Hindi naman ito kumibo at umupo lamang sa tabi ko. I looked at her with a questioning look habang siya tudo ngiti.
"Sorry, I forgot to introduce myself. Maica Mcfreed, I'm the secretary of this Guild." The three of us nodded in unison. "Bilin ni Frost sa 'kin, ako muna ang magpapaliwanag sa inyo sa mga nangyayari habang wala pa siya. Saan nga ba tayo magsisimula?"
Pansin kong masyado pa siyang bata upang maging isang sekretarya. She must've been so hardworking to get the position she is in right now.
"Psstt..." Tawag ni KC sa akin upang mapatingin ako sa kanya. "Siya ba talaga ang secretary ng Guild na 'to? Mas bata pa ata 'yan sa atin, she looks like a kid." Pabulong na tanong ni KC, ayaw niyang marinig ni Maica.
"Maybe she's especial, kahit bata pa siya ay nagkaroon na siya ng posisyon dito."
"Excuse me." She politely said as she cleared her throat. Napansin niya sigurong hindi kami nakikinig sa kaniyang mga sinasabi.
"S-sorry..." Nahihiyang sagot ko sa kanya. "What were you saying again?"
"As just I was saying, anong mahika ang tinataglay niyo? Upang malaman namin at malagay ito sa mage's profile ninyo. Don't worry we'll keep it confidential, kinakailangan kasing malaman ng guild ang tungkol sa inyo. Kailangan ni Master Hollars ang lahat ng datos na makukuha sa lahat ng membro o dating membro ng guild pero sa sitwasyon niyo kailangan lang namin ng kaunting impormasyon sa inyo dahil mamalagi lang naman kayo dito ng ilang araw dito diba?" Tanong nito at napailing kami nina na KC at Hannah.
"Tungkol diyan Maica, wala kaming kaalam-alam sa mga nangyayari sa amin ngayon. Kahit na ang mahikang pinagsasabi niyo." Seryosong saad ko upang magtaka si Maica.
"At bakit naman? Halos lahat ng tao dito sa Mahonotopia ay may mahika." She eventually stood up, analyzing each of us.
"I really don't know how to explain it, Maica pero sa tingin ko may kinalaman ang singsing at kwentas na ito kung bakit kami narito." Sambit ko sabay ipinakita sa kanya ang singsing at kwentas.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong niya pa at medyo tumaas ang kilay.
Kwenento ko ang lahat ng nangyari sa 'min kanina, lahat ng deltalye bago pa kami makarating sa lugar na ito. Pati na rin tungkol singsing at kwentas, lahat-lahat talaga binigay ko. Pati tiwala ko, umaasa kasi akong maliliwanagan kami ni Maica.
"It only has one meaning, you guys are from the human world! Pero paano naman nagawa ng isang kwentas at singsing ang makagawa ng portal papunta dito?" She exclaimed.
"Paexplainnn." Singit ni KC.
"Ang ibig kong sabihin, alam ko na ang sitwasyon niyo! Kaya pala wala kayong kaalam-alam tungkol sa mahika. Wala na kayo sa mundo ng mga tao bagkus nandito kayo sa Mahonotopia, mundo ng mahika!" Paliwanag niya ngunit hindi ito sapat upang tuloyan kaming maniwala sa kanya.
"Mahonotopia?"
"Hindi naman siguro 'to joke time? Kahit na anime fan ako hindi ako naniniwalang totoo ang magic."
"Kung hindi pa sapat ang nakita niyong kakayahan ni Frost na gumawa ng bagay gamit ang yelo, puwes papatunayan ko sa inyo." Sagot niya na may determinasyon, iwinasiwas niya ang kanyang kamay. "Word magic: Butterfly."
As she let those words out an exquisite font saying the word Butterfly emerged midair. Seconds later butterflies all over the place was seen coming out of it, we we're in awe seeing an amazing peculiar event.
"Wow! Ang ganda!"
"Shuta girl, are you the wizard of Oz?!" Tanong ni KC kay Maica na kahit ngayon manghang-mangha pa rin.
"Simple lang! Magic! Hindi ako nagbibiro, nandito kayo ngayon sa Mahonotopia. Maligayang pagdating!" Masayang tugon ni Maica sa 'min habang kami ay lutang na lutang pa din sa nangyayari.
"Okay, naniniwala na ako sa 'yo." I said in defeat.
"Masaya akong naniniwala na kayo sa 'kin mga Nolmous."
"Nolmous?"
"Iyan ang kadalasang tawag namin sa mga tao." Napatango na lang kami, so may race discrimination pala dito?
"Paano niyo nga pala nalaman na meron mundo ng mga tao?" Tanong ni Hannah.
"May isang prinsipe ang kaharian ng Legion dati na gustong-gusto maglakbay. Nakapanaginip niya tungkol sa isang dalaga sa ibang mundo. Dahil hindi niya makalimutan ang mukha ng dalaga, gumawa siya ng paraan upang masilayan ulit ito. Sa tulong ng miyembro ng kaharian nakagawa siya ng portal na nagdudugtong sa landas nilang dalawa." Maica said as if we were her grandchildren, thirsty for new knowledge.
"Agad na ginamit ng Prinsipe ang portal na kanyang ginawa, nakarating siya mundo ng mga tao ngunit bigo siyang mahanap ang babae sa kanyang panaginip. Napagpasyahan niya na lamang na bumalik dito sa Mahonotopia, karamihan ng mga bagay na andito ay galing sa mundo ng mga tao, pati na rin ang wikang ingles. Matapos niyang makabalik ay itinuring siyang bayani dahil sa kaalaman na kanyang dala. Makalipas ang ilang buwan siya ay naging Hari, mas lalong naging matagumpay ang kaharian ng Legion sa kanyang pamumuno."
"Naging Hari nga siya pero hindi niya nahanap ang babaeng nasa panaginip niya. Saklaaaap!" Birit ni KC.
"Ang bitter naman ng tadhana!" Dagdag ni Hannah.
"Wala naman kasing forever, tanga lang ang naniniwala doon. Ang rami nang tanga huwag kanang maging isa!"
"Matanong ko lang. Ano ang pakiramdam na maging isang tao? 'Yong wala mahikang tutulong sa iyo sa oras ng kagipitan? Gusto ko malaman." Nagtinginan kaming tatlo, bumugtong hininga ako bago nag-isip. Ang hirap ng tanong!
"Masaya naman maging tao, 'yong kahit wala kaming kapangyarihan nakakagawa pa rin kami ng mabuti sa kapwa namin. Magkaroon rin ng malalim na bond sa iba, magawa ang mga bagay-bagay gamit lamang ang purong kakayahan namin." I said as my life experiences started to flash all over my head.
"Hindi naman pala mahirap na maging tulad niyo, malayo sa g**o. Pangarap ko rin talagang makapunta sa human world, matagal na panahon na."
"Mahirap mabuhay mundong ginagalawan namin dahil hindi naman talaga lahat ng tao sa mundo ay mabait. Marami ang masasamang loob na kayang gumawa ng masama sa 'yo. Kaya mas maganda siguro kung mayroong mahika upang maprotektahan natin ang sarili natin sa mga masasama ang loob."
"And the winner of the Miss Q and A is..." Sigaw ni KC na parang tangang nag-aannounce. Binigyan ko siya ng masamang tingin, may batok ka sa 'kin mamaya!
"Ganyan talaga 'yan Trixia, hindi natin maiiwasan 'yan." Pagsang-ayon nito sa 'kin.
Dahil sa pag-uusap naming 'yon may naalala akong napaka-importanteng bagay. Kailangan kong umuwi sa amin ngayon! Patay ako kay Ate Jean nito, kailangan kong makahanap ng paraan upang makabalik ako sa amin. Kawawa ang mga kapatid ko doon, walang mag-aalaga sa kanila.
"Maica, pwede mo ba kaming tulongan?"
"Sure, kahit ano." Sabik niyang sagot sa akin.
"May hinahanap kasi kaming lalaki. Siya ang dahilan kong bakit kami napunta sa lugar na 'to." Napatingin ako kina KC at Hannah. Wala silang kinalaman dito, nadamay lang sila.
"Sige pero kailangan kasama natin ang kaibigan ko. Nasa isang misyon siya, magaling siyang magpinta kaya sa kanya tayo hihingi ng tulong. Ilarawan mo lang sa kanya ang mukha ng lalaki na hinahanap mo para magkaroon agad tayo ng clue. Mapapadali ang paghahanap natin." Suhesyon ni Maica, tumango naman ako bilang tugon.
"Handa akong maghintay sa kanya kahit hindi pa siya darating."
"Hugots namarns!"
--