Episode 33? Francesca’s POV From: Charlotte 'Congrats, Francesca! Parehas na tayong makakasali sa stage play.' To: Charlotte 'Thank you, Charlotte. Yeah, makakasali na nga ako sa stage play at papunta na rin ako diyan after kong mag break fast.' Ipinasok ko na ang cellphone ko sa shoulder bag ko. Tinignan ko muna ang sarili ko sa harap ng salamin bago lumabas ng kwarto ko. Dumiretso ako pababa, papunta sa dining area namin. “Good Morning, daddy.” Hinalikan ko ang pisngi ni daddy at naupo na sa pwesto ko. “Good Morning,” sambit ni daddy at napatingin sa suot kong dress. “Saan ang punta mo?” “Audition for stage play, daddy,” I answered. “Good luck,” aniya. “Thanks, daddy,” sambit ko. Sunod naman na pumasok ay si Mikee at may mga kasunod na naman siyang katulong na may bitbit na

