Episode 36 Francesca’s POV “Ok guys! Break time na muna tayo!” Sigaw ng secretary ng drama club. Apat na araw na ang lumipas at sa apat na araw na ‘yun ay palagi akong busy sa pag pra-practice para sa darating na stage play namin sa susunod na buwan. Kahit ang makipag date kay Mayor ay hindi ko na rin magawa sa sobrang busy ko. Mabuti na lang talaga at na iintindihan niya ko at suportado pa niya. Nilapitan ko ang gamit ko at kumuha ng bimpo at pinunas sa sarili ko. Napatingin ako kay Charlotte na nag-aayos ng gamit niya. “Kain tayo sa cafeteria. Libre ko na,” anyaya ko sa kanya. Para naman makabawi ako sa kanya sa mga panahon na hindi ko siya nasasamahan. “Sige ba,” mabilis niyang sagot. Sinukbit niya ang braso niya sa braso ko at hinila na agad ako palabas ng theater room kung sa

