Real Talk
Hinatid kami ni Nate sa bahay, pagkatapos kong magbihis at magpaalam kay Daddy na may gagawin kaming practice ngayon ay dumeretso na kami sa café.
“Hindi mo parin ba sinasabi kay Tito, na nagtatrabaho ka sa café?” Alisha asked when we were on our way to the café. She was in the back seat and I was sitting in the front seat next to Nate.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagbaling ni Nate sa akin.
“Hindi pa. Natatakot akong magsabi, baka kasi pagbawalan ako at paalisin sa trabaho.” Napapabuntong hiningang sambit ko.
“Why don't you try to ask Tito first. Malay mo pumayag siya.” Aniya naman ni Nate.
I shook my head. “I don’t know. My father doesn’t want us to work. Mama left to work kahit na ayaw ni Daddy, what if he found out that I am having a part time job without letting him know. Baka mas lalo lang siyang ma-feel down at ma-disappoint sa sarili niya.”
“Ganun ba si Tito?” tanong ni Alisha.
“Alisha, my father is a proud man. Gusto niya siya ang gumagastos sa amin. Nung umuwi siya dito sa Pinas from abroad? He feels so broken after he resigned from his work. And when mama decided to leave to work for us, I could see that he was very against it, pero hinayaan niya si Mama sa gusto nito dahil hindi niya kayang pigilan kahit pa ayaw niya. I don’t know, but I think he thinks he’s useless when I know he’s not. I wouldn't be here today if it wasn't for his hard work. So, I don't want him to feel bad for himself, to feel disappointed and useless. I want him to always feel proud to himself.” Pag-amin ko.
“I hope all parents think like that. Ayaw nilang naghihirap at nagtatrabaho ang anak nila, gusto nila na sila ang gumagawa ng paraan para buhayin sila.” Sambit ni Alisha.
“That's how a parent should be, Alisha. Kahit ako, if I became a parent, I don't want my children to feel the burden. Hindi ko man na-experienced yan, pero kita ko naman iyon sa ibang bata dito sa probinsya natin. I pity them though.” Sagot naman ni Nate.
I sighed. “I should be lucky then, because I have a parents like them. Pero, bilang isang anak, ayaw ko din na maranasan nila ang hirap dahil sa akin. There is a part of me that always wants to help and not be a burden.” I said and looked out the window. "That's what I'm doing now, even though… I feel guilty for not telling it to my parents." I whispered softly.
Hindi naman sila nagsalita pero narinig ko ang buntong hininga ni Nate.
“Are you okay, Belle?” tanong niya.
“Yeah.” I said weakly.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating din kami sa café. Sinalubong naman kami ng malaking ngiti ng Manager.
“Mukhang napapadalas ah.” Nakangising sambit niya, saka kami sinulyapan na dalawa. “Sino sa inyo ang nililigawan niyan?”
Natawa ako sa sinabi ng manager samantalang nappakurap naman na tumingin si Alisha ng balingan ko siya. Tumaas ang kilay niya sa akin ng maski ang manager ay tiningnan din siya.
“Ikaw ba, Alisha?” nangingiting tanong ni Manager.
“Hindi ho!” Halos pasigaw na sambit niya. “Ito pong si Belle ang gustong ligawan kaso binasted.”
The manager's eyes widened when she turned to me. “Binasted mo? Bakit naman Belle? Naka jackpot ka na binasted mo pa!” Tila eskandalong sambit ni Manager dahilan para mapabaling sa amin ang mga kasama namin sa loob ng locker room.
Natawa siya at nangunot ang noo saka hindi ako makapaniwalang tiningnan.
“Magkaibigan lang po kami.” Nakangiting sagot ko.
Umiling siya, nangunot ang noo, saka napabuntong hininga. “S-sige. Duon nalang pala muna kayo sa bookshelves area. Paki-ayos ng mga libro dahil masyadong magulo. May ibang customer tayo na hindi sumusunod sa patakaran. Sinabihan na na ayusin ang pagkuha at pagbalik ng libro sa shelves pero hindi naman sumusunod.”
“Sige po.” Sambit ko.
"Belle, can I ask you something?" Alisha asked after a few minutes of our silence while we arranged the book on the shelves.
“Hmm. Ano yun?” tanong ko pagkatapos kunin ang dalawang libro sa lamesa na iniwan lang ng customer.
“Are you still into Red?” Nakakunot na tanong niya.
Natigilan ako sa ginagawa, saka muling nagpatuloy. “Siguro…” Sagot ko at naglakad pabalik sa bookshelves, tumigil ako saka nakagat ang labi. “Medyo.” Bawi ko.
“Ano ba talaga?” Naguguluhan na sambit niya ng hinarap niya ako, pero inilingan ko lang siya. Napabuntong hininga siya. “Come on. Mag-usap nga tayong dalawa. Yung matino.” Seryosong aniya.
"Why are you suddenly asking that?" I asked with a laugh.
She shook her head and stared at me. "Because I think, he's still into you… I think." Tumatanong sambit niya.
Natigilan ako duon, nangunot ang noo at napailing. “Paano mo naman nasabi?” My eyebrows rose.
“Kanina, titig na titig siya sayo habang nag-uusap tayo. Tapos…the way he speaks in front of us and the way he cares for you…” He shook his head a few times before looking back at me. “Hindi man lang siya nagdalawang isip na magsalita, sa harap pa talaga ng mga kakalse natin at ng ibang tao, and most especially in front of his girlfriend. Pakiramdam ko tuloy may gusto parin siya sa’yo.”
I laughed at her conclusion and shook my head. “Hindi mo siya gaanong kilala kung ganun. Red is just like that to me, even before when we’re still friends. Siya yung tipo na mahilig mangealam sa issue ng ibang tao. Pag nakita ka niya na malungkot, kakausapin ka niya. Kapag nakita ka niyang nahihirapan, tutulungan ka niya, kapag nakita niyang may mali, magsasalita siya. Yun ang ginawa niya kanina.” Sagot ko pero tila mas naguluhan siya. “I admit, nagulat din ako. I feel bad for his girl. Though, I know he's just like that because he thinks we're still friends, despite the conflict and the break-up. He cares for me a lot… he told me that once.” I said remembering the last conversation I had with Red.
“Nakakatawa lang dahil, ako mismo ang nag-insist na magbreak na kami, kasi sabi niya, wala na siyang nararamdaman para sa akin, so why continue our relationship if it's just a one-sided love? Though…even if I broke up with him, I still don’t want him to find someone else.” I confess and look away. “I was just so disappointed dahil nakahanap agad siya ng kapalit. Mas pinatunayan lang niya, na nag-cheat nga siya kahit ilang beses niya pa iyong itinanggi sa akin noon. Kahit pa sinabi niya na wala na siyang nararamdaman para sa akin.”
Hindi siya nagsalita ng ilang segundo. Ramdam ko din sa gilid ng mga mata ko ang titig niya sa akin. Dinaanan ko siya at lumipat sa kabilang shelf saka sinimulang ayusin ang mga libro duon na nakatagilid, ang isang libro ay nakapaibabaw lang sa mga nakahilera na libro.
I felt her approach me again. “You mean, gusto mong magbreak kayo, pero ayaw mo siyang maghanap ng iba?”
I bit my lip and sighed heavily.
“Ngayon mo lang yan sinabi sa akin Belle, pero… That’s selfish… at napaka-imposible naman niyang gusto mo. Look, malaya na siyang manligaw at maghanap ng ibang babae kung gusto niya coz you two are not in a relationship anymore.” Aniya.
“I know, ang gusto ko lang naman sabihin ay sana hindi yung ang bilis namang maghanap ng iba. Remember, Kakabreak lang namin tapos bukas makalawa may jowa na agad?” I laughed and shook my head. I could already feel the bitterness in my tone.
“You mean to say…panakit butas? Ganun?” tanong niya.
“Yes.” I said weakly habang nanatili ang hawak sa libro at nakatitig duon. “Though, I think hindi naman iyon panakit butas. He fell out of love and that’s the truth. She’s her long-time crush, ngayon na nakita niyang may pag-asa siya, sinungaban niya ang pagkakataon kahit kami pa.”
“Whatever we call it Belle, panakip butas man o hindi, ang point ko dito ay yung sinasabi mong ayaw mo siyang maghanap ng iba kahit break na kayo, but do you think all men have that kind of mindset. Sabi nga nila, isa sa mga paraan para makapag-move on ang isang tao ay ang maghanap ng iba. Almost all of them are looking for someone else immediately after the break-up, whether they cheated or not. They can't afford to go months and years without finding a replacement… that’s the reality.” Punto niya.
Umiling ako duon habang nagpapatuloy siya. Ang pangit ng realidad kung ganun. Masyadong mapanakit.
“Ito huh. Real talk. Sa panahon ngayon ay kokonti nalang ang mga lalaking loyal sa mga girlfriend at asawa nila. Karamihan sa mga lalaki ngayon ay babaero, cheater, manwhore. People are getting worse and worse every day. It does not only apply to men, but also for women. At hindi exemption ang mga panakip butas. Hindi na uso ang salitang ‘loyal’, uso na ngayon ang salitang ‘reserba’ o ‘pamalit’…swerte nalang iyong mga taong nahuhulog sa isa’t isa kahit gawing panakip butas.”
I nodded. "I know that. I’m not born yesterday, Alisha. Panakip butas man, reserba, o na fell out of love, pare-pareho pading masakit.”
Tumango siya at bumuntong hininga. “Of course, you will hurt, mahal mo eh.”
Napasinghap ako sa sinabi niya.
“But not all men are the same. Mayroong loyal, mayroong hindi. Pero hindi lahat ng loyal ay nagtatagal, hindi rin lahat ng nagtatagal ay loyal. Laging may loophole sa isang relasyon, those are the reasons why lovers often break up in the end.” Dagdag niya pa.
Muli ay tumango ako. “I know, Alisha…I only just want to say that If he really is in love with me, hindi dapat ganun kabilis na maghanap ng pamalit… Respeto nadin lang sana sa akin. Pero mas matimbang siguro ang pagmamahal niya sa girlfriend niya ngayon kaysa sa respeto sa akin.” Aniya ko at binalingan siya.
I could see the sadness in her eyes, pero ngumiti ako at nagpatuloy.
“An intense love takes almost a year before you move on and find someone else. Minsan nga hindi na nagawang maghanap ng iba kahit sinubukan pa. Because no matter what you do, siya parin ang mahal mo. Siya pa rin ang nakikita mo kahit na may kasama kang iba. That’s what I called true love, Alisha.” Sambit ko.
Nangunot ang noo niya. “Is that how you feel for Nate, kaya hindi ka parin maka-move on kay Red? Kaya hindi mo siya hinayaang manligaw sayo, kasi kahit anong mangyari, kahit anong gawin mo, siya parin ang nakikita mo, siya parin ang mahal mo?”
Hindi ako sumagot, umiwas lang ako ng tingin saka gumilid at nakakunot ang noo ng inilagay ang libro sa pagitan ng dalawang libro. Natahimik siya. Ganun din ako.
“B-Belle…Puwede favor?” Sambit niya pagkalipas ng ilang Segundo dahilan para bumalik ang tingin ko sa kanya. She looked at me intently. I then nodded and let her speak.
“If ever na… magbago ang isip mo, na… maisip mo na maghanap ng iba kahit hindi ka pa nakaka move-on…or…hayaan sila na manligaw sayo. Huwag mo sanang bigyan ng motibo si Nate, k-kung wala kang gusto sa kanya.” Aniya.
My jaw drops at her words. Tuluyan akong natigilan sa ginagawa.
“I-I know, this look offended to you but, I don’t want you two to hurt each other. I don’t want you to hurt him, and I don’t want him to hurt you.” Seryosong sambit niya na nakpagpa-buntong hininga sa akin.
“I’m not like that, Alisha. I will never use Nate for my selfish reason. You know me." Sambit ko na tinanguan naman niya. Though, nanliit ang mga mata ko sa kanya.
“Umamin ka nga sa akin, may gusto ka ba kay Nate?” Deretsong tanong ko.
Her eyes widened and shook her head a few times. “No—no, no. Of course not. Ano ba yang tanong mo? Nag-aalala lang ako, okay?” Natatawang sambit niya.
Nanliit ang mga mata ko. “Talaga ba? Eh bakit si Nate agad ang naisip mo?”
“Because I saw that his still hoping for you!” Halos pasigaw na sambit niya. “Kahit pa sabihin mo na ni-reject mo siya at magkaibigan lang kayong dalawa. Umaasa parin yung tao sa’yo!”
Ngumisi ako. "What if I tell you now that I'll give him a chance."
“I thought you don’t like him!” Halos pasigaw na sambit niya.
Lumaki ang ngisi ko at mabilis naman siyang umiling.
“Sinusubukan mong hulihin ako.” Aniya nang napagtanto kalaunan. “Kung gusto mo siya, then go! I won’t stop you.” Bawi niya.
“Talaga?” Pang-aasar ko pa na pinangunutan naman niya ng noo. “Tsk.tsk.” Umiling ako sa kanya ng ilang beses saka tumawa ng malakas. “You can’t fool me, Alisha. Don’t worry, you don’t have to worry about me. I don’t like him. I only like him as a friend. Mas mag-alala ka sa mga nagkakagusto sa kanya sa school. Marami sila. Huwag mong kalimutan na gwapo at mayaman ang lalaking gusto mo.” Madrama akong napabuntong hininga habang tinitingnan ang nanlalaki niyang mga mata. "I never thought you would like such a man, possessive, feeling close, aggressive, and arrogant." Aniya ko at tinalikuran siya kalaunan habang sumisipol.
“H-hindi nga Belle!” Tanggi niya pa pero binalewala ko siya.
“Alisha, pinapatawag ka ni Manager, Paki serve daw ng order ni Sir. Nate.” Aniya ni Kuya Jake sa amin.
Nakangisi kong binalingan si Alsiha. “Oh, kaylangan ka nung crush mo, pagsilbihan mo na.” Natatawang sambit ko. Matalim naman niya akong tinignan.
“Bakit hindi ikaw ang mag-serve?” Iritadong sambit ni Alisha sa waiter namin. Umawang naman ang labi ko sa attitude niya.
She can’t just say that and complain! we’re just an employee who need to do what just told. Dito palang ay hindi na kapani-paniwala na hindi nga niya gusto si Nate, she already lost her poise just because she was told to serve our customer. Not just a simple customer, it was her crush. Her secret crush. Tsk.tsk.
“Ang daming customer ngayon, puro pa estudyante dahil wala daw pasok. At bakit ka nagrereklamo diyan? Hindi ako nag-utos. Si manager. Isumbong kaya kita kay manager.” Pananakot pa ni Kuya Jake sa kanya. Mas lalo akong natawa ng makita ang reaksyon ni Alisha.
She fell silent kaya natawa ako. Lalo pa ng iritado niya akong sinulyapan at nagpupuyos sa galit na sumama kay Kuya Jake.
Naisip ko na din naman na may gusto siya kay Nate, at nagsimula iyon nung birthday ni Nate. Duon ko unang napansin ang mga kilos niya. Nakakatawa lang dahil nahulaan ko iyon. Pwede na pala akong manghula. Ibig sabihin din niyan ay magaling na din akong makiramdam sa mga tao sa paligid ko.
I bit my lip and sighed then moved to the other shelves kung saan nakalagay ang book novel. Ngumuso ako at inayos iyon. Tinanggal ko muna isa isa at ipinatong sa malapit na table sa tabi ko. Isa isa kong binasa ang title ng libro. Though, a book of poetry caught my attention.
Humilig ako patagilid sa bookshelves saka sinimulan iyong basahin.
I sighed heavily.
“Ang lalim naman niyan.” Bulong ng kung sino sa likod ko.
Mabilis akong humarap at tiningnan kung sino iyon. My eyes widened to see Ali.
“Ali? Anong ginagawa mo dito?” Nagugulat na tanong ko.
Tinitigan niya ako. “Why? You don't want me here?” His eyes narrowed.
“H-Hindi. I mean… Diba may meeting ka sa school?” Napapakurap na sambit ko.
He looked down at his wrist watch. "Yeah, it took only one and a half hours. Hindi na ako nagtagal.” Aniya.
Ngumiwi ako at tumango saka binalingan ang mga libro sa tabi ko. “Gusto mong magbasa kaya ka nandito?”
He shook his head and frowned. “I will have some coffee before I go home. But… I’ll try if I find some interesting books here.” He said and glanced at the book I was holding.
"What are you reading?" He asked.
I smiled and shook my head. “Inaayos ko lang ang mga libro. I'm curious so I try to read one.”
"You like reading books?" he asked again.
Nangunot ang noo ko at napaisip. “Depende sa content ng libro but then I like novel books more, and poem also.” Nakangiting sagot ko.
He nodded slowly. “Alright. Let me help you.” Prisinta niya.
Natawa naman ako duon. “Huwag na. Manuod ka nalang. Nakakahiya. Customer ka dito, hindi empleyado.”
He bit his lips and nodded slowly before glancing at the book I was holding. "Can I look at it?" He asked softly.
“Of course, you may.” Mabilis na sagot ko at ini-abot iyon sa kanya.
Iniangat naman niya ang libro ng tuluyan niya iyong makuha sa akin at sinimulan iyong basahin sa harapan ko.
“Pwede kang umupo, baka mangalay ka.” Nakangiting sambit ko.
Akala ko ay ngingiti siya pero tinitigan niya lang ako, nailang ako duon kaya sinuklian ko siya ng tipid na ngiti.
“Alright.” Aniya at sumandal sa lamesa kung saan ko inilapag ang mga libro. “Dito nalang.” Sagot niya.
Napakurap naman ako duon at sinulyapan ang mga lamesa sa paligid namin. May iilang naka upo duon pero konti lang sila, busy sa kanilang binabasa. Marami ang bakanteng lamesa kaya puwede naman siyang umupo duon. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako komportable na nandito siya habang may ginagawa ako. Ibinalik ko ang tingin sa kanya na nagbabasa na ngayon. I sighed and tilt my head lightly bago ipinagpatuloy ang pag-aayos ng libro.
Tumingin ako sa gilid ng mga mata ko ng maramdaman ko siyang nakatingin sa akin habang isinasalansang ko ang libro sa shelf. I turned to him and saw that he looked back at the book.
“Ma-maganda ba?” Tanong ko.
His forehead furrowed and looked up at me. "Yeah." He spoke softly. I nodded and looked back at the bookshelves.
But just a few seconds later I felt him look at me again. I turned to him but he immediately looked back at the book kaya hindi ko siya nahuli. Ngumisi ako at tumagilid ang ulo. Nang ibinalik ko ang tingin sa bookshelves at naramdaman ko siyang nag-angat ng tingin sa akin ay agad ko siyang hinuli ng bumaling ako. Nagkatitigan kaming dalawa.
“Bakit, may gusto ka bang sabihin?” Nakangiting tanong ko.
His forehead furrowed and sighed then lowered the book he was holding. "Can I ask you something, kung… okay lang?" he asked looking up at me.
Agad naman akong tumango habang nakangiti.
He licked his lips and nooded before he asked. “You told me you didn’t like Nate that’s why you reject him, right?” Mababang sambit niya.
Tumango ako. “Yes, bakit? Hindi ka ba naniniwala dun?” Tanong ko.
“Is that because you like someone else?” tanong niya pabalik.
Hindi naman ako agad nakasagot. Kumalabog ang dibdib ko duon.
He sighed. “I’m sorry, you don’t have to answer. I’m just curious after what I heard a while ago.”
Umiling ako ng makabawi. “It’s okay.” Napapakurap na sambit ko.
Naruon nga pala siya kanina ng magkasagutan si Nate at Red, siguro nalito siya sa mga sagutan kanina.
I nodded. "It's okay. I have nothing to hide.” Sambit ko at napabuntong hininga.
“Yung lalaking nakasagutan ni Nate kanina?...” Sambit ko at nag-angat ng tingin sa kanya. Nanatili naman siyang nakatitig sa akin. “He’s my ex… Actually, He’s my first boyfriend. And to answer your question... My answer is yes, I rejected Nate because I still have uh---let’s say, I still couldn’t move on.”
I bit my lip and look down, my forehead furrowed when I look up at him.
He nodded slowly and stared at me. “Bakit kayo naghiwalay?” Marahang tanong niya.
Tumaas ang kilay ko at bumuntong hininga saka siya tiningnan at ngumiti. “He cheated on me or should I say…He fell out of love.”
Nangunot ang noo niya sa akin at tumingon sa sahig, tila malalim ang iniisip. Magsasalita pa sana ako pero nagtanong ulit siya.
“Pero, mahal mo pa?” Deretsong tanong niya ng titigan ako.
“Si Red?” Tanong ko at nakagat ang labi. Nangunot ang noo ko saka ngumuso at tumango kalaunan. “Oo, mahal ko pa. Pero, may mahal na siyang iba, kaya hindi ko na pwedeng mahalin.”
Unti-unti naman siyang tumango habang nanatiling nakatitig sa akin.
“The girl you saw with him earlier? She’s his current girlfriend.” Nakangiting sambit ko.
“I’m sorry.” Sagot niya na nakapag pakunot ng noo sa akin.
“Bakit ka naman nag-so-sorry?” Natatawang tanong ko.
“I shouldn’t have asked.” He said with a frown and looked up at me. "Are you okay?" He asked worriedly.
Umawang ang labi ko at tinitigan siya. Marahan niya akong tiningnan. Napalunok naman ako duon saka ngumiti.
“I’m fine. Hindi lang naman ikaw ang unang nagtanong sa akin. Isa pa, we're friends, aren't we?" I asked with a smile.
"Of course, we are." He whispered softly and look at me intently. "But if you are my girlfriend, I will never cheat." He added.
Kumalabog ang dibdib ko at umawang ang labi sa sinabi niya.