Matapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na sila. Mahihina ang hakbang na pumasok ako sa elevator. Pinipilit kong pihilan ang luha ko subalit ayaw tumigil. Ang hirap huminga. Iyong sakit na hindi ko alam kung bakit ayaw mawala. Pumasok ako sa kotse ko at napasandal. Huminga ako ng ilang beses at nagmaneho na pauwi. Kailangan kong itulog ang nararamdaman ko. Para akong unti-unting pinapatay sa sakit. Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa steering wheel. Matalay na pumasok ako sa loob ng bahay at kaagad na akong umupo sa sofa at naghintay kay King. Minutes after he's already in my front. Nakatayo lamang siya at nakatingin sa akin. Nahilot ko ang ulo ko at tiningala siya. He was silent and calm. Huminga ako nang mallim at umayos sa aking pagkakaupo. "I can explain," matigas niyang

