Ilang araw na rin mula nang magkabalikan kami ni King. I saw how sincere he is. Ilang araw na rin akong ginugulo ni Bianca and I don't give a fuss about it. Hindi dapat ako natatakot, ako ang asawa. Hindi ko rin naitatanong kay King kung may relasyon pa ba sila ng bruha. Sa tuwing magsasalita ako bigla-bigla nawawalan ako ng sasabihin. "Bes okay ka lang?" nakangising tanong sakin ni Shanleyh. Kasalukuyan na kaming papunta sa cafeteria. Ahead kasi ng one hour si King ngayon. Nagtatakang nakatingin sa akin ang maganda. "Oo naman," sagot ko at nginitian siya. Agad naman kaming umupo sa bakanteng table ng cafeteria. Wala ang tatlong unggoy ngayon may practice malapit na kasi ang tournament nila. "Bes? Bianca is comming," seryosong ani ni Shanleyh. Saglit akong natigilan at nilingon ang l

