TDW: 6

837 Words
Pumasok na ako sa klase ko para namang hahayaan ko ang sarili kong umabsent para magpaka-tanga. Oo na, oo na tanga na kung tanga gusto ko lang talagang makita si King. Ayun, nag-overtime sila kagabi sa bahay. Tanggap ko na ang lahat. "Bes, tatanggalin ko na 'yung mga pictures namin sa kwarto wala naman siyang paki doon ano sa tingin mo?" Tanong ko sa kaniya. Kunot ang noong napatingin siya sa gilid ng mukha ko na sinadya kong tabunan ng buhok.Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa Cafeteria at nag me-meryenda. "Anong nangyari sa mukha mo?" Nanlalaki ang matang tanong niya. Hinawakan niya ito kaya't agad na napaaray ako sa sakit. "Did that b***h hurt you?" galit niyang tanong sa akin. Mabilis na napailing ako. "Okay lang ako," mahina kong ani. Malungkot na tiningnan niya ako tsaka ilang saglit lang ay pinunasan niya ang luha niya. Natigilan naman ako sa nakita. "Bakit ka umiiyak?" tanong ko, sunod-sunod na kasi ang luha niya. "Uy! Baka mapagkamalan nilang inaaway kita, tahan na," naiiyak ko na ring ani. Hinaplos niya ang mukha ko at pinunasan ang luhang tumulo. "Huwag mong hayaang saktan ka ng ibang tao, Kaisle. Lumaban ka naman, huwag mong hayaang maliitin ka nila. Sabihin mo sa akin kung sino ang may gawa niyan okay?" Sumisinghot niyang sambit. Mahinang napatango ako. "Okay sino ang gumawa niyan sa'yo?" Tanong niya sa akin. "Nagalit ako kagabi kasi dinala niya si, Bianca sa bahay. Nakapag-salita ako ng hindi maganda and he slapped me," mahina kong ani. Nakita kong lalo pang tumulo ang luha niya. Umayos siya nang upo at tinitigan ako. Inayos niya ang sarili at ngumiti nang peke. "Sa tingin ko hayaan mo lang ang frame sa kuwarto niyo. Para pag-alis mo maalala niya kung gaano siya ka tanga na hinayaan ka niyang umalis at mas pinili niya ang malanding kabit na 'yun okay?" Seryosong ani niya. Napa-tango naman ako at inayos na rin ang sarili. "Sa bagay may point ka naman doon," sagot ko. Ngumiti siya at inayos ang sarili. "Uy, si Scandinavi papunta rito. Tingnan mo nga mukha ko bes ayos lang ba?" Kinikilig na aniya tumango naman agad ako. Biglang nagbago ang mood niya pero kitang-kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya.Maganda naman talaga ang bruhang to kamukha niya si Chloe Grace Moretz. "Sinong, Scandinavi?" tanong ko. Wala kasi akong maalalang Scandinavi dito sa university. "Si, Thaddeus Scandinavi 'yung sikat na football player." Kinikilig niyang ani. And I remember siya 'yong nag-approach sa akin noon nang minsang napagtripan ako ng mga bully friends ni Bianca. "Hi girls, mind if I join you?" Nakangiting tanong niya. Mabilis na sumagot naman itong talandi kong kaibigan. "Sure upo ka," saad niya. Napangiti na lamang ako sa inakto niya. Kanina lang paiyak-iyak taoos ngayon ang laki na nang ngisi.. "Hi Kaisle," bati niya sa akin. Nahihiyang nilingon ko siya at natural na napatigil ako. s**t! Ang gwapo. "Ahem, ang bibig natin pakisarhan." Mahinang bulong ni Shanleyh sa akin. Nahiya naman ako, minsan talaga nakaka-gaga ang kagwapohan eh. Nahihiyang tiningnan ko siya. "H-hello," ani ko at inayosang buhok ko sa kabilang cheeks ko. Nahihiyang yumuko ako at nagpatuloy sa pagkain ng burger. "You have ketchup on your side lips," nakangiting aniya sakin. Kumunot naman ang noo ko at tinignan siya. "Huh?" Gulat na napatigil ako nang kumuha siya ng tissue at pinahiran ang bibig ko. Sa pagmamadali ay nahawakan ko ang kamay niya at kinuha ang tissue. Naramdaman ko namang sinipa ng bruha ang paa ko. "I can smell something fishy here," nakangiting ani niya habang makahulugang nakatingin sa akin, sa amin ni Thaddeus. "Matagal na kitang napapansin dito sa university. You're quite famous and you're so beautiful. I forgot to introduce myself how mean of me. I am, Thaddeus Scandinavi an engineering student," ani niya sa akin at inilahad ang kamay para makipagkamay sa kaniya. Magdadalawang isip pa sana akong tanggapin 'yun nang mabilis na kinuha ni Shanleyh ang kamay ko at ipinaglapit ang kamay namin ni Thad. Agad na napangiti siya sa turan ng kaibigan ko maging ako ay hindi na mapigilang mapangiti na rin. "Ayan kasi ang hihina duma-moves. Ikaw naman, Thad lakas-lakasan mo naman 'yang confidence level mo. Hindi ko akalaing ang famous, Thaddeus Scandinavi ay nahihiyang makipag-usap kay, Kaisle Hung," sambit ng kaibigan kong kumikindat nang pasikreto sa akin. Nakaawang lamang ang bibig ko sa pinagsasabi ng babaeng 'to. Kaibigan ko ba talaga 'to? Napapailing ako habang nakangiti nang may pumasok ng cafeteria. Agad na nawala ang ngiti ko nang makitang nakalingkis ang kamay ni Bianca sa asawa ko. I gasped nang makitang tumingin sa gawi namin si King. Nagtama ang paningin namin subalit mabilis na binawi niya iyon at walang pakialam na dumaan sa table namin. "Don't mind that bastard," mahinang ani ni Shanleyh. Sa tingin niya'y nahalata ni Thaddeus ang reaction ko kaya nag-isip siya ng palusot. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD