Chapter 49 *UNTITLED Sa isang sulok ng isang madilim kwarto, andun ang si Euphemia na nagmumukmok. Lutang at nakatingin sa kawalan. Panay ang pag-agos ng kanyang luha sa kanyang makinis na pisngi. Hindi nya ito pinapahid bagkus hinahayaan lang nya. Katwiran nya'y mauubos din ang mga luha nya. Ilang araw na ba syang ganito? Isa? Dalawa? Ah isang linggo na pala. Simula nang mangyayare ang bangungot na sya mismo ang gumawa. Oo, bangungot para sa kanya ang nangyare sa kanila ni Trake. Kahit alam nyang wala talagang nangyare, pero nahawakan at nahalikan ni Trake ang mga kaselanan nya. Para sa kanya isa pa din syang maduming babae. Kaya nga iniwan sya ng kanyang asawa eh. Nanikip ang kanyang dibdib sa naisip. Talaga bang iniwan na sya ni Lelouch? Talaga bang galit na galit ito sa kanya? Isa

