Chapter 46 *UNTITLED *Euphemia's POV Umaga na ng magising ako. Maghapon lang kasi akong natulog kahapon. Ayaw gumising ng diwa ko dahil hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap na may nangyare samin ni Trake. Nang maalala ko ang bagay na yon eh muli na naman akong napaiyak. Darn! Ano nang gagawin ko?! Ayokong iwan ako ni Lelouch kapag nalaman nya ang tungkol dun. Pero ayokong magsinungaling sa kanya. Ayoko ding saktan sya. Ano bang gagawin ko?! Dahil sa frustration eh napahagulgol na ko. Para na kong baliw! Maya maya eh nakarinig ako ng mga kalabog at biglang bumukas ang pinto ng kwarto namin at humahangos na pumasok. "Hey! Why are you crying? May nangyare ba?" Nag-aalalang lumapit sakin si Lelouch. Umupo sya sa harapan ko at nag-aalalang tinitigan ako. Napayakap ako sa kanya at umiy

