Chapter 7

4731 Words
"Damn it, Venecia Panganiban! Ano ba sa palagay mo ang ginawa mo. You just made a scene in my company and I am sure that they are all talking about what happened, f**k!" Galit na sabi niya sakin. Kanina pa parang sasabog si James dahil sa nangyari kanina sa building niya. Hindi ba dapat ako ang magalit dahil ako yung pinangakuan? Diba dapat ako yung magalit dahil kahit binayaran lang at pumayag ako sa deal na in-offer niya ay hindi naman mawawala ang pagiging tao ko na nasasaktan dahil binigo ng isang pangako? Diba hindi naman malaki ang hiningi ko sa kanya? Ang makauwi lang ang gusto ko ngayon. Mahirap ba yun? Mayaman naman siya ah. "Now what, Venecia? Talk! Kanina kung anu-ano ang sinabi mo sa opisina and now you will just shut up? Oh wait, let me guess, nag-iipon ka na naman ng luha?" He laughed at me. Parang gusto ko siyang sampalin ngayon din. Napaka-arogante mo! Hindi porke mayaman ka ay pwede mo na akong ganyanin. Gusto kong umiyak pero hindi ako dapat magpakita ng emosyon. Walang ibang tutulong sakin kundi ang sarili ko lang. "Sorry, hindi na mauulit," Bulong ko. Mas lalong nagalit siya dahil sa sinagot ko. Nakakatakot siy. Parang anytime ay pwede niya akong palayasin dito sa bahay niya. "Talagang hindi na because you will not step outside this building without my permission," Nagulat ako sa sinabi niya. Does that mean ikukulong niya ako? "Ikukulong mo ako sa apat na sulok ng bahay mo?" Mariin kong tanong sa kanya. "And why not?" He smirked. "I can do whatever I want. Remember the deal? Oh baka naman ayaw mo nang tulungan ang mga bata? Just tell me at madali akong kausap. I can call my lawyers not to proces the transfer of the lot to your name," Kinagat ko ang dila ko para hindi ako maiyak. Sobra na yung nakita niyang pag-iyak ko. Nasiyahan na siya dun at ayoko nang bigyan pa siya ng kasiyahan. "Just do whatever you want,"  "Ofcourse and who the hell do you think you are para pagsabihan ako ng mga ganoong bagay? Wala pang taong nakapagsabi sakin nun, not even my parentas damn you!" s**t. Sumosobra na talaga siya. Ayokong magpakasal sa kanya. Ayoko na, ang sakit sakit na. Gusto kong maglupasay ng iyak pero hindi dapat. Hindi dapat. "Sorry," Yun lang ang nasabi ko dahil ayokong humaba pa ang usapan. Gusto ko na lang mawala siya sa paningin ko. Gusto kong mapag-isa dahil walang taong ang nagsabi sakin ng ganito. Oo nga at maraming taong nanakit sakin noon pero hindi ganito. Hindi ganito na parang wala akong karapatang sumaya. "f**k now go to your f*****g room at wag kang lumabas hangga't hindi ko sinasabi," He pointed my bedroom door at tahimik akong pumasok doon. I closed the door and locked it. Nang marinig ko ang mahinang tick ng lock ay nag-unahan sa paglandas ang mga luha ko. Para akong paulit-ulit na tinutusok dahil sa mga sinabi niya. Yung sinabi niya sa mga barkada niya.. Akala ko okay na eh pero hindi pala.. Hindi ko siya maintindihan. Okay naman kanina ah, ipinakilala pa niya ako sa mga katrabaho niya pero bakit bigla na naman siyang nagalit sakin? Bakit ba? Ano bang problema niya? Wala na talaga akong nagawang tama buong buhay ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa sakit ng pakiramdam ko. Maliit lang ang daan at madilim na kaya mabilis akong naglakad papunta sa amin. Pero bakit paulit-ulit lang ang daang tinatahak ko? Andito ako kanina ah. Tama, yang punong yan, yan ang nadaanan ko kanina. Teka parang may sumusunod sakin.  Mabilis akong nagtago sa isang malaking puno nang may narinig akong mga taong nagtatawanan. Hindi ko sila makita. Pawang mga boses lang ng mga lalaki. Nakinig ako pero may narinig akong boses ng babae. Teka, parang pamilyar sakin ang boses. "Ecia anaaaaaaaak!"  "Ma?" "Takbo anak. Magtago ka!"  "Ma? Mama?" Tumakbo ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang mama ko. Nakaluhod habang ang anim na lalaki ay nagtatawanan. Ang isa ay may hawak na kutsilyo. "Anong gagawin nila sa nanay ko?" Bulong ko habang patuloy na dumadaloy sa pisngi ko ang mga luha. "Magpaalam ka na sa anak mo!" "Waaaaaaaaaaaaaaagg!" "Venice, Venice sweetheart wake up!"  "Mama! Wag mo akong iiwan," "s**t! Wake up I am here," Naramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko pero hindi ko magawang ibuka ang mga mata ko. Hindi ako makahinga. May bumubulong sakin na wag na akong magmulat ng mata.  "Sweetheart!"  "Wag!" Bigla akong napabalikwas ng bangon dahil gulat na gulat ako. Basang-basa na ang damit ko kahit na malamig ang hangin mula sa aircon. Ang mga luha ko ay walang pagod sa paglandas sa mukha ko. Hingal na hingal rin ako na para bang galing ako sa isang marathon. Ang pangit ng panaginip ko, nakaktakot. "Hey are you okay?" Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Bakas sa mukha niya ang pag-alala. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan yun pero bigla ko itong iwinaksi.  "Lumabas ka," Mariing sabi ko sa kanya. Wala akong ibang gusto kundi ang mapag-isa. Yun lang at wala nang iba. "You had a bad dream," Pahayag niya. Hindi ba niya narinig ang sinabi ko? "Get out," I pointed the door and shot him death glares. Ayokong makipag-usap sa kung sinuman. I don't f*****g care kung ano ang isipin niya. Ang gusto ko lang ay mapag-isa. "You can't do this to me," "Ofcourse I can. Now out," Hinila ko ang kumot at tinalukbong sa sarili ko at tinalikuran ko siya. Ipinikit ko ang mga mata ko pero hindi ako makatulog. Ayokong matulog, baka mapaginipan ko na naman yun. Umiiyak lang ako nang marinig ko ang isang buntong-hininga mula sa kanya. Sana hindi yun totoo. Sana hindi totoo na naghirap si mama noong panahon na bilang na ang oras niya dito sa mundo. Sana may nagawa ako para sa kanya. Sana naging masaya siya kahit kaming dalawa lang. "Ecia?" Tawag sakin ni manang mula sa labas. Narinig ko ang mahinang katok niya kaya agad akong nagtungo sa pinto. "Manang," Sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pagsinghap niya ng makita niya ang itsura ko. Mugtong-mugto ang mga mata ko dahil sa kaiiyak ko.  "Diyos ko anak, okay lang ba ikaw?" Mabilis siyang pumasok at nilagay ang  tray ng pagkain sa mesa at ginagap ang kamay ko. Mabuti pa si manang at marunong makiramdam. "Okay lang po," Ngiti ko sa kanya kahit na parang hinihiwa ang puso ko. "Hindi ka okay alam ko. Narinig ko ang away ninyo kanina. Pasensya na at hindi ko sinadya ang makinig," Yumuko siya na para bang nahihiya. "Okay lang naman po manang. Konting away lang," Mahina pa rin ang pagkakasabi ko sa kanya kaya napabuntong-hininga siya. "Pasensya na iha pero alam ko ang totoo. Narinig ko simula noong unang araw mo pa lang dito. Hindi ko sinasadya ang makinig pero hindi ko napigilan lalo na't alam kong pumayag ka dahil may mga tao kang gustong tulungan. Napakabuti mo anak," Tumulo na naman ang luha ko. Okay na sana eh, kaso si manang kase. "Sorry po at nagsinungaling kami," Niyakap niya ako at muli akong naiyak. Si manang lang ang masasandalan ko sa mga oras na ito. "Wag kang mag-alala iha. Alam nating pareho na mali ang magsinungaling at magpanggap pero may mabuti kang hangarin kaya hindi ako magsasalita na alam ko. Tikom ang bibig ko anak," Nagpapasalamat ako dahil hindi ako hinahayaang mag-isa. Kahit papaano ay gaan ang pakiramdam ko sa matandang ito. Kung nagkataong buhay pa si lola ay siguradong magkakasundo silang dalawa ni manang.  "Maraming salamat po,"  "Walang anuman. Kung gusto mo ng kausap, nasa kusina lang ako," Nagpaalam na siya at naiwan na naman akong mag-isa sa kwarto. Maingat kong kinuha ang mga pagkain at kahit walang gana ay pinilit kong kumain. Hindi pa pala ako nakakapag-almusal. Kaya pala panay ang reklamo ng tiyan ko. Hapon na ng lumabas ako sa kwarto ko para kumuha ng tubig. Nakakahiya namang si manang pa ang uutusan ko para lang sa isang simpleng bagay. Maingat kong kinuha ang baso sa may lalagyan at kumuha na rin ako ng pitsel mula sa ref. Binuhos ko ito sa baso ko pero parang ma nagmamasid sakin na hindi ko maintindihan. Inignora ko na lang yun at patuloy ako sa ginagawa ko.  "Venice," Hindi ako lumingon dahil alam ko kung sino ang tumawag. Siya lang naman ang taong tumatawag sa akin ng ganun eh. Hindi ko nga maintindihan dahil hindi naman Venice ang palayaw ko.  Dire-diretso ako naglakad pabalik sa kwarto ko ng pigilan niya ang braso ko. "Let's talk," Hindi ko siya tiningnan dahil sa tuwing makikita ko siya ay wala akong ibang gustong gawin kundi ang sampalin siya. "Let go," I said. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas kung yun pero nagawa ko. Mabilis ko siyang iwinaksi na hindi natatapon ang tubig na hawak ko. Ganun siguro talaga kapag galit ka, may mga bagay na hindi mo akalain na magagawa mo. "Please, we need to sort out things. Mom invited us for dinner tomorrow and we need--" I cut him. "To practice? No need. Magaling ka naman umakting eh at wag kang mag-alala sakin. Hindi kita ibubuking at lalong gagandahan ko ang acting ko. Nilampasan ko siya at hindi na siya nagprotesta.  Hindi ako kasing bobo ng inaasahan mo, James. FYI nakapag-aral ako kaya hindi ako ignorante kung yan ang tingin mo sakin. Bwisit ka! Bwisit. Ginugulo mo ang tahimik kong mundo. Okay na ako sa pagwawalis at pagtitinda ng isda at kung minsan ay naglalaba pero dahil sa kasakiman mo ay gumuho at nawala yun katahimikan ko na parang bula. Naiinis ako ngayon sa kanya dahil kinokontrol niya lahat ng bagay. Ni hindi siya marunong magpahalaga ng ibang tao. Nakahilata ako ngayon sa kama ko habang kinakalikot ang cellphone na binigay ni James Bipolar sakin. Oo, Bipolar ang family name niya dahil nakabuntot sa kanya ang pagiging arogante niya. 1 message received "Busy ka ba iha? Namiss ka namin. Hindi ka nakapunta dito para saluhan kami sa tanghalian." Naguilty ako dahil hindi ko man lang magawang ipagtapat lahat-lahat sa kanila. Nagi-guilty ako dahil buong buhay ko tinrato nila akong kapamilya pero naging malihim ako sa kanila. Nagpasya akong tawagan si Nanay. "Nay?" sagot ko nang may narinig akong tawanan mula sa kabilang linya. "Naku Ecia anak," Masayang bati sakin ni Sister. "Happy Birthday po," Pinilit kong gawing masaya ang boses ko para hindi nila mahalata na mayroon akong pinagdadaanan ngayon. "Maraming salamat. Hindi ka ba pinayagan ng boss mong magday-off. First time itong hindi ka nakarating ah?"  "Sorry po talaga. Babawi na lang po ako next time. Kumusta po diyan?" "Ay naku mabuti at andaming pagkain. Andaming nagbigay at nagmistulang party itong birthday ko anak. Sayang at wala ka," Gusto ko na namang umiyak. Hindi dahil hindi ako nakapunta sa birthday kundi dahil namimiss ko na sila at gusto ko nang makalayo sa aroganteng si James. "Mabuti naman po ganun. Sayang at hindi ako nakapunta. May emergency po kasi eh,"  "Okay ka lang ba? Bakit ganyan ang boses mo? May dinaramdam ka ba?" Gustong-gusto ko ang pagiging maaalahanin ni sister sa akin.. sa amin. Siya ang nagsilbing nanay namin ng mga bata at ang orphanage ang nagsisilbing kanlungan namin. Naiisip ko pa lang ang mga ngiti ng mga bata ay nawawala lahat ng pagod at sakit na nararamdaman ko. "Okay lang po sister. Mabuti po ako. Medyo may sipon kaya ganito ang boses ko," "Ah ganun ba? Uminom ng maraming tubig anak," "Opo nay,"  Mariin kong ipinikit ang mga mata ko matapos kong makipag-usap kay nanay. Nalulungkot ako dahil hindi ko sila nakasama pero mas lalo akong malungkot dahil hindi tinupad ni James ang pangako niya sakin.  "Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo," Puna niya sakin habang kumakain kami ng tanghalian. Napilit niya akong lumabas mula sa lungga ko dahil sinabihan niya si manang na hindi ako dalhan ng pagkain. Napakasama talaga ng ugali. Dalawang araw na rin siyang hindi pumapasok sa opisina niya. Sabagay, sa kanya naman yun kaya pwede siyang hindi na magtrabaho. Sa dami ba naman ng pera niya ay hindi siya maghihirap sa dalawang araw na pagliban niya sa building niya. "Venice ano ba, sumagot ka naman," Pilit niya. "Pwede ba tumahimik ka! Hindi mo ba nage-gets na ayaw kong makipag-usap sayo?" Pinukol ko siya ng isang matalim na tingin. Nagulat naman siya sa inasal pero hindi ako nagpasindak.  "Ano bang ikinagagalit mo?" Bumabalik na naman ang pagiging bossy niya. "Hindi ka ba talaga titigil?" Nagsukatan kami ng tingin. Pero binawi niya ito agad at kinuha ang wine glass niya at ininom ang wine. Bigla naman akong nawalan ng gana kung kaya't tumayo ako. "Nawalan na ako ng gana," Pumunta ako sa sala at binuksan ang TV habang siya ay papalapit sakin. Hindi ko siya pinansin kaya pinatay niya ang TV na mas lalong ikina-inis ko. "Let's talk," sabi niya. Naging mas kalma na rin ang boses niya. Ang mabait ba na James itong kaharap ko? Mamaya pa siguro lalabas si rude na James. Nagkamali ako sa sapantaha ko. Hindi lang siya bipolar, may split personality pa siya. Hindi ko siya pinakinggan. Sa halip ay tumayo ako at lalampasan ko na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko at pilit na pinaharap sa kanya. "Magdi-dinner tayo mamaya sa bahay at-" "Pwede bang wag mo nang ulitin? Alam ko at mas lalong alam ko na kailangan nating magpanggap na mahal natin ang isa't-isa kahit ang totoo ay hindi ko kayang tumira ng kasama ka dahil sa sama ng ugali mo," "What?" nakita ko ang pagtagis ng bagang niya at naging mas seryoso ang mukha niya. Ano ka ngayon?  Wala na akong pakialam kung tatapusin niya ang deal. Wala na akong pakialam kundi ang makaalis mula sa poder niya. "Ayoko na at pwede ba you can cancell the deal dahil ayoko na," "s**t. No," "Anong parte ba ng ayoko na ang hindi mo maintindihan?" Naging mas malamig ang boses ko at ramdam ko ang pagpapanic niya. "Please don't. Please give me second chance," "For what? Para insultuhin mo na naman buong pagkatao ko?" "Damn it, please wag ka nang maraming tanong. Just please understand me. Babayaran kita ng dob--" Pakk! Hindi ko na napigilan ang kamay ko. Nasampal ko siya pero wala akong pinagsisihan. Noon ko pa yan gustong gawin sa kanya dahil sumosobra na siya.  "Venice," "At wag mo akong tawaging Venice dahil nasusuka ako sayo!" I ran to my room and locked it. Kinuha ko pa ang bangko na nasa harap ng dresser at nilagay doon para hindi siya makapasok. Gusto kong sumigaw dahil sa wakas nagawa ko na ang gusto kong gawin sa kanya. Serves him right.  JAMES TYLER Sa buong buhay ko ngayon lang ako nasampal ng ganito kasakit. I was slapped by my ex-flings pero hindi ganito ang epekto nito sakin. Talaga bang nasaktan ko siya ng sobra? Gusto kong matawa sa sarili ko. When my friends went here, todo bakod ako kay Venice dahil alam ko ang kalikot ng bituka nila. Sa ganda ba naman ni Venice ay imposibleng hindi sila magkakainteres dito and I won't let that happen. Yesterday in the office, nagulat ako ng sinabi sakin ni Rico na papunta si Venice sa building to talk to me. Hindi ko alam kung bakit. She can talk and ask the boys to buy her anything she wants, bakit kailangan pa niyang puntahan ako? Maaga akong umalis dahil may tinapos pa akong mga papeles dahil I will take a week off dahil sa kasal naming dalawa. We will have it in Balesin. Maliit lang ang ceremony at close friends lang din ang imbitado dahil hindi po ako handang sabihin sa mundo na kasal na ako. We'll separate after 8 months anyway.  When I saw her talking to the gentlemen ay nakaramdan ako ng inis. Hindi siya pwedeng makipag-usap sa kung sinuman at lalong hindi siya pwedeng makipagtawanan sa hindi niya kilala. Although I knew Mr. Roa and Mr. Magallanes and that they are loyal to their wives ay hindi ako kampante. They can't stare at Venice like they want to devour her. What's mind is mine alone.  When we were in my office nagulat ako dahil sa pananalita niya. Oo alam kong palaban siya dahil na rin sa nag-iisa na lang siya sa buhay, according to the files my detectives told me but her voice had something na para bang inis na inis na hindi ko maintindihan kung bakit. She then asked me why I left the house very early? Akala ko she was pissed dahil hindi ako nagpaalam sa kanya yun pala ay may promise raw akong hindi tinupad. Damn it. I don't f*****g care and she has no right to speak likt that in front of me. What's worst was what happened on the Finance Department. I was too annoyed na kung hindi ko icocontrol ang sarili ko ay mapapagalitan ko siya in front of those people. I was amazed by how she talked and responded to me na para bang siya si Gabriela Silang. She's brave but if she was thinkin that I liked it, then she's wrong because I was too mad to.  I won't deny the fact that there were times tha I just want to hug her and kiss her until she beg me to stop. She's beautiful and sexy and she smells so good but the light always turn to red whenever I attempt to cross the line. Damn it, she was too sexy to handle and I want to bed her right there.  "Sir, okay lang po ba kayo?" Dahil sa boses na yun at napabalik ako sa ulirat ko. I was stunned by her reaction at hindi ko na siya nagawang pigilan after that crisp slap. She definitely will pay for this. "What do you want, Rico?" Inismiran ko siya. Kanina pa ba siya dito? Was he eavesdropping? "Your grandmother is on line 1," He handed me the phone and my grandma beamed. "Iho," She chuckled. Hindi pa rin ako nakakapag-move-on mula sa sampal. f**k. "Lola," I tried to sound fine kahit ang totoo ay gusto ko siyang pagbayarin dahil sa ginawa niya. "I am so excited to see you and Venecia, iho," "Me too, Lola. We'll be there tonight," I assured her. Hindi ko siya papayagan na hindi makapunta sa mansyon. I want my family to see that I can settle down and get my wealth as soon as possible. "That's good. Where's Venecia?" Tanong niya. "She's in our room, nagpapahinga dahil masakit ang katawan," Damn, bakit ba yun ang sinabi ko? "Oh, is she pregnant?" Kung nagkataong umiinom ako ng tubig ay siguradong naibuga ko na ito. "No lola. Hindi pa po," Ano ba ang sinasabi ko? Seriously? Do I want her to bear my child? Damn. f**k. "Hindi pa? So one of these days?"  "Hmm maybe?" Sinakyan ko na lang ang hirit ni lola para hindi na siya mangulit. Knowing grannies, they want apos.  I am driving to my parents mansion with Venecia silently sitting right beside me. Kanina pa siya tahimik and I know why. Hindi ko rin siya kinakausap. I won't initiate. Ako ang boss dito kaya she needs to sort her shits. She's wearing a white dress na ako mismo ang pumili. Hindi naman ako nahirapan dahil kahit ano naman ang ipasuot sa kanya ay magmumukha siyang napakaganda. She's just too classy na para bang pinanganak siyang mayaman. Anyway, mayaman naman talaga ang papa siya according to the detailes gathered by my people pero hindi sila nito pinanindigan. He chose his wealth and I can't blame him. Money can buy anything. Just like me, I wan't nothing but my inheritance. I parked my car on the parking and climb out. I saw Venecia climbing out from the car. Damn it, kahit galit ako sa kanya ay gusto ko siyang ikama ngayon din. She's very sexy. Hapit na hapit sa katawan niya ang dress and I just want to kiss her. Lumapit ako sa kanya and held her hand. Nagulat naman siya pero nginitian ko lang siya. Afterall we need to act like we are madly inlove with each other.  I heard footsteps from behind and on one move, I pulled her closer to me and kissed her lips. s**t, I feel like I am having a f*****g boner right now. I snaked my hand on her waist and my other hand on her nape. She did not complan maybe because she understands why I am doing this and she told me this afternoon that I have nothing to worry because she will act accordingly.  I kissed her pero hindi siya gumagalaw. She just let me do the kissing and I am f*****g piss right now. Gusto ko siyang humalik sakin. Gusto kong tugunin ang mga halik ko. I sucked her lower lip and pulled and I heard her moan. Hella! That was hot. She was responding to my kiss when happy voices interrupted us.  "Aww lovebirds," My grandma uttered when they saw me on a very sexy position. Muntik ko na nga siyang isandig sa kotse kung wala lang sila. I smiled to them. I saw my parents and lola standing infront of us and my father is laughing right now habang nakaakbay sa mama ko. "Sorry about that. I got carried away," I chuckled. Iginiya ko si Venice sa kanila and I can feel her cold hand. Hinigpitan ko ang hawak nito and kissed it. "Parents, lola, I want you all to meet, Venecia Panganiban, my future wife," I am very confident that this time, hindi na sila maghihinala. I will do everything to convince them. "Hello, Venecia, ang sweet niyong tingnan kanina," I saw how she blushed when my mother pulled her on an embrace followed by my lola who whispered something to her ear na mas lalong nagpa-pula sa mukha niya. She's just beautiful and her lips are s damn soft. "Hi, Venecia. Hmmm, can we call you Venice?" My dad asked her and she nodded but I objected. "Sorry dad but you can find another nickname for her. Not Venice, that's mine," Bigla namang natawa ang papa ko dahil sa sinabi ko. Even my mother and loal started to laugh. "Ah okay lang po. Wag niyo pong isipin si James," She said. I frowned. "I like you iha," My mom said and pulled Venice from me. At first I protested pero inakbayan ako ni dad.  "Make me proud this time son," Para namang bigla akong natauhan dahil sa sinabi niya. Hindi ko ba sila binigyan ng bagay na magiging proud sila? We're having a coffee in the veranda after the feastive dinner prepared by my parents. "Nabusog ka ba anak?" My mom asked. "Yes ma," I answered. "Oh no, not you. I am asking Ecia," She laughed. Hindi ko naman mapigilan ang mapahiya dahil sa ginawa ni mommy. Parang pinagti-tripan ako ng mga ito ah. "Ah opo tita. Busog na busog po. Sobrang sarap po ng pagkain," She answered politely. Kanina ko pa nahahalata ang pagiging uncomfortable niya sa harap ng pamilya ko but I am very happy because she is doing her job excellently.  "Don't call me tita. From now on, call me mommy and call my husband daddy. You'll be the family's new addition anyway," She smiled to her and I felt very good right now. Parang wala akong iniintindi. Not even the inheritance. All that's matter to me now is my family. I sighed. Marami pang kaming napag-usapan including the wedding that I asked them to leave the details to me. Ayoko ng magarbong kasal. I don't want the world to know at lalong ayokong mawala ang mga flings ko. I smiled devilishly with the thought. The women were happily talking about something while my dad and I are talking about business. "Now son, tell me that you're not using Venecia," Bigla siyang nagseryoso and I feel the cold ice on my spine. "Dad,"  "Ayokong isipin na pinaglalaruan mo lang kami because I trust you, son, and I know you won't do something stupid," Bakit parang iba ang pakiramdam ko sa pagkakasabi ni dad non? I tried to appear non-distracted pero my inner self is shouting "Your dad is right!" "Dad, she's the perfect girl. Trust me on this," I said. Ewan ko ba kung bakit yun ang sinabi ko althought totoo naman that she's the right girl. Wala akong ibang naisip na pwede kung gawing asawa for 8 months aside from her. I know she'll do this professionally. "Let's see about that son," Maya-maya pa ay inanyayahan ko si Venice to come with me on the pool. Gusto kong magkaroon ng solong oras kasama siya not to do something intimate or what. I just want to talk to her about the deal. Nasa malapit na kami ng pool when she saw the bridge specially made in the middle of the pool. The place is peaceful and I can see the veranda where my family is staning, looking so happy. "Can I go there?" She merrily asked me and I nod. She ran towards the bridge and I smiled. She's like a child. Para siyang isang anghel na naglalakad gabi. She's pretty and the light from the post gives me a perfect view of her. I went near to her. "Ang ganda dito," She even looked down and smiled when she saw her reflection on the water. Hindi ko napigilan ang hapitin siya sa bewang na naging dahilan para mapasigaw siya.  "Ang ganda mo," I can't understand why I am feeling like this to her. Andaming magagandang babae ang dumaan sakin. I even bed them and f****d them nth time pero tanging lust lang ang naramdaman ko sa kanila but seeing Venice and her calm face, naging tahimik ang sistema ko. Everytime I looked at her, nakikita ko ang kapayapaan at kasiyaan sa mukha niya pero kasabay nun ay ang sakit at ang hirap na nakikita ko sa mata niya.  She's strong but she's vulnerable. Para siyang isang mamahaling baso na kahit high quality materials ang gamit ay nababasag pa rin. When I saw her cry since day one ay parang pinipiga ang puso ko. Gusto ko siyang yakapin pero ayokong maging unfair sa kanya. Hindi ko siya mahal at lalong hindi ko siya bibigyan ng pagkakataong isipin na mamahalin ko siya. I don't do love. That's the last thing that I would do. "What are you doing?" She asked, her voice is shaking.  "Giniginaw ka ba?" I whispered and I saw her close her eyes. Ah, temptress. "Hindi," "Venice," "Hmm," Kahit wala siyang sinasabi ay ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya. Nahihirapan na rin ako dahil sa alaga kong panay sa pagwawala. The moment she opened her eyes ay agad kong sinakop ang mapupulang mga labi niya. Hindi siya nakakilos and I took advantage of her state by wrapping her around me. Inikot ko ang pwesto ko sa kung saan makikita ko ang veranda pero wala na doon ang mga magulang ko. I kissed her, softly and then hard. Narinig ko ang pagbulong niya ng, "don't bite me," kaya ngayon ay hindi ko mapigilan ang pagtawa. Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa kakatawa ko. She's a good ice breaker.  "Stop laughing," She said softly while she's standing in front of me, hands on her waist habang ako ay nasa sofa at tumatawa. We went home after that laughtrip scene at kahit nagpumilit silang doon matulog ay hindi ako pumayag. I just joked na gagawa na kami ng little James Tyler. Namula naman ang mukha niya kaya agad ko siyang niyakap at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. I love it when she's shy. Lola and mom on the other hand are smiling at us at halatang kinikilig. "Why?" I said innocently. "Walang nakakatawa," "Fine," I composed myself when I saw her gone mad and I just want to f**k her right here right now. I stood up and pulled her close and bridge the gap between us. I kissed her hungrily and she kissed back. f**k. She's as good as a pro. Ramdam na ramdam ko ang panginginig niya pero patuloy pa rin siya paghalik sakin.  "I want to make love to you," And it was too late. I already said it and I wanna bury myself for mentioning that word.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD