Few days ago...
"Hey dad! What's the urgent matter at talagang pina-cancel niyo ang appointments ko just to attend this lunch date?" I joked and kissed my mom who is looking at me intently na para bang mamamalo anytime. "Hi mom."
"Sit down, Tyler."
I sat down calmly but my parents are still quiet about this whole thing. I began to wonder. This is bad. This sounds trouble. They blackmailed me na hindi nila iga-grant and sports car na gusto ko kung hindi ko ipapasa lahat ng mga subjects ko at the end of the school year. Not that I can't afford pero nasa safe lahat ng pera ko when I was in high school at maa-access ko lang yon at the age of 20 with my parents signature.
"What is this whole thing about, dear parents?" I asked feeling annoyed. I hate waiting.
"Ako na James." My mom told my dad.
"Okay."
"Listen, Tyler. I don't want to say this pero sumosobra ka na." I frowned. Anong sumosobra ang sinasabi niya?
"What mom? What are you talking about?" I asked raising my brow.
"Don't raise your brow when you are in front of us, James Tyler!" My dad immediately said and I awkwardly tried my best to listen to them.
"Sorry."
"A woman named Scarlet went here last week at dahil sa sobrang busy ka and you always reject our invitation ay ngayon lang namin nasabi sayo to. She said you got her pregnant. Umayos ka. You are very respected in the business world and yet you are here with so many issues about how womanizer you are. Pinalaki ka namin na maayos. We never taught you to play women's heart!"
I almost jump when I heard my father's loud voice. Damn.
Who the f**k is that Scarlet.
"Dad, I don't know who is that Scarlet!"
"I don't care! Basta ayusin mo ang mga gusot mo. Nakalimutan mo na ba na nangako ka sa mommy mo na hindi mo na paglalaruan ang mga babae kapalit ng pagpayag ko na ikaw ang mag-handle ng lahat ng mga negosyo natin?" He still sound so angry and I just remained on my seat.
"We already talked about this, Tyler. I and your dad came up with an agreement." My mom said and I lift my head to look at her.
"What?"
"You've been working with the company and all our businesses for years pero hindi namin ililipat ang pangalan ng mga businesses namin kung hindi namin makita ang pagiging responsable mo sa mga babae. You need a wife, Tyler." My dad said with finality.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
"Dad! You can't do this to me. Ilang taon na akong nagtatrabaho, proving you all that I can handle the business and the company. Wag namang ganito. This is so unfair." I tried to insist pero hindi sila nakinig. Parang gusto ko nang itapon lahat ng mga bagay na makita ko at gusto ko nang suntukin sina Rico at Orlando dahil sa inis ko.
"We know. And you also know how we hate seeing you hooking up with different girls every night. Ayusin mo ang gusot mo sa Scarlet na yun at kung buntis man ay gawin mo ang nararapat. Hindi kita pinalaking ganyan, James Tyler!"
"No dad! You can't do this to me!" I stood up at kahit nagulat ang mama ay hindi parin sila tumayo.
"Tell that to your grandmother. They are arriving tomorrow."
Shit!
"Please lola wag naman kayong ganyan. All this time I've been so hardworking with my jobs and I've been doing my responsibilities. I can't handle this kind of treatment!" Ungot ko sa lola ko na kagagaling lang sa Taiwan. She arrived 11 hours earlier with my older sister who is now busy talking with the maids. Andito ako ngayon sa mansion nila dad at para akong preso dahil hindi nila ako pinapalabas without me saying yes to their proposal.
"Then stop working at the company. Ibigay mo na muna sa daddy mo ang trabaho and look for someone you can marry. As easy as that." She said smiling while doing crochet. Parang walang jetlag ah. My lola is 74 years old pero para paring 50 dahil sa lakas niya. Epekto yata ng stem cell therapy niya.
"La, it's not as easy as you think. You are talking about my goddamn freedom for f**k's sake!"
"And having s*x with different girls almost every night is your thing?" Sabi ko na nga ba. Bakit ba parati akong talo sa pamilyang to. I am a God in business world pero pagdating sa bahay ay para na akong nagiging alila dahil pakiramdam ko ay wala akong kakampi. I looked at Rico and Orlando who are busy playing with their iPADS na dala sa kanila ni lola. Walangya. Ako ang nagpapasweldo pero heto at sila pa ang parang boss.
I sighed.
"Ano ba talaga ang gusto ninyo?" I looked at my parents and they are now half-smiling at me. f**k f**k f**k.
"We just want my apo to settle down before he turns 27." What? Napatayo ako bigla at hindi sinasadyang natabig ko ang baso na may lamang tubig at natapunan ang dalawa na nakasalampak sa sahig.
"Boss naman, mag-ingat naman po kayo!"
"What, Rico? Umalis ka diyan." I threw them death glares. Kung hindi lang sila paborito ni lola ay pinaalis ko na sila sa harapan ko.
"Easy on your employees, Tyler." Lola reminded me with a laugh. Mababaliw na ako dito.
"That can't be lola. I'll be turning 27 after 7 months." I shook my head.
"I know kaya we made an agreement with your parents. And don't try to fool us dahil sa mukha mo pa lang, alam na namin na nagsisinungaling ka!"
"DAD! MOM! LOLA!"
I stomped my feet with frustration. I looked to my sister, asking for help but she just stuck her tongue. Isa pa to. Porke may masayang pamilya na, eh, ginaganyan na ako.
"Settle down, James Tyler or half of this will be given to your sister and half will be donated to all our charities."
Fuck!
"What the heck are you doing?" Venice almost kicked Tyler when she saw him lying on the bed...with her.
"What the heck I am still very sleepy!" Tyler said without opening his eyes.
"AHHHH! You p*****t!" She pushed him out of the bed but he's just too heavy.
"Damn, Rico! Stop pestering me and go home." He said still half-closed.
"Damn you! Damn you!" She keeps on wailing and since he is still not opening his eyes, she bit him.
"What the hell!" He stood up immediately holding his sore arms.
"Bakit ka ba andito ha! Napakabastos mo talaga!" Dinuro pa niya ito at umurong when she saw him looked very serious.
"At sino ang nagbigay sayo ng karapatan para saktan ako ha! You are really some kind of a sadist, woman. This is bullshit!" He stood up and grabbed his sweatpants from the chair and marched outside his room.
"s**t that woman." Himas-himas niya ang braso niya na kanina pa humahapdi dahil sa kagat i Venice.
"Don't you dare walk away from me. How did I end up here in your place wearing this over-sized shirt and laying beside you ha? Pwede kitang kasuhan ng k********g and s****l harassment dahil sa ginagawa mo!" She pointed him and almost to fire bombs at him when he is not talking back.
"Ano hindi ka ba magsasalita?" Pilit niyang pinapaharap ito sa kanya pero ayaw pa rin. "Hoy!"
"After what you did to me, you expect me to be nice to you?" He answered in a cold voice. He must've been hurt from her bite.
"What? Eh ikaw pa tong may ganang magalit when I am the victim here. At asan tayo?" She looked outside the door and was shocked when she saw that they are in the middle of the city where buildings are skyrocketing. "No way!"
"Yes way!" Nakalapit na ito sa kanya at ramdam na ramdam niya ang paghinga nito sa kanyang leeg.
"What are you doing?" She sounded very nervous.
"Stay put. I am not gonna bite you. I am not a sadist like you." He chuckled and snaked his arms around her body and she frozed. Para siyang natuka ng ahas when she felt her wamn body against her.
"Anong ginagawa mo?" She said not even moving a single bit.
"Stay. Inaantok pa ako." He chuckled.
They stayed they for a couple of minutes and parted when they heard someone spoke from behind.
"Iho, handa na ang almusal." She looked at the back and found a woman maybe on her 50s smiling widely to them. "Kain na iha." She said.
"Thank you manang Liza at kahit inistorbo mo kami ng girlfriend ko." The woman's smile grew wider when she heard him say that Venice is his girlfriend and she wondered why.
"Come." Hinila siya nito sa hapag at kahit wala siyang gana dahil para pa rin siyang inengkanto dahil sa nangyari ay nagpaubaya siya. Tumunog ang tiyan niya when she saw the foods in front at biglang nawala lahat ng alalahanin niya. She is just too hungry to care.
"Eat more. Wala kang kain kagabi dahil tulog na tulog ka. I can't even afford to wake you up." Tyler said but she did not answer.
Kumuha siya ng pagkain and she closed her eyes when she took a bite on the pancake with butter and caramel syrup. Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling nakakain ng ganito kasarap na mga pagkain.
"Balang araw makakain din ako ng masarap." She said to herself.
"Slow down, baby!" Awat sa kanya ni Tyler. Bigla naman siyang napahiya. She slowed down and almost bowed her head in embarassment. Talagang gutom siya. "Sorry. Baka kasi mabilaukan ka. But you can eat all of it. Just tell me kung ano ang gusto mong kainin and we will order it." Nagulat pa siya ng halikan nito ang bandang ulo niya. She is really very nervous right now she can't think straight.
After they ate breakfast ay nag-usap na sila. This time, Tyler had to make her swear that she will listen to him and just zip her mouth.
"Just please listen to me first." He sighed. He really needs to do all the sweets so that she will say yes or mawawala lahat ng plano niya.
"Fine! After that you will let me go home." She crossed her arms in front of her chest and raised a brow.
He sighed in frustration.
"Be my wife!"
"What the hell!" Hindi niya napigilan ang mapasigaw when she heard him say those words. "Nababaliw ka na ba? Ano yan laro lang?"
"Look, we will file an annulment after 8 months. Please just say yes." He begged. Say yes please.
"No way! Aalis na ako. Baliw ka na. Maghanap ka na lang ng iba." She stood up and went to the room to get her things when she heard footsteps from behind. "Ayoko and if you think ganun na lang yun kadali ay nagkakama---"
"I will buy the orphanage and have it named after you." Bigla siyang natigilan. What?
Tama ba ang narinig niya?
Ipapangalan daw sa kanya?
Come again?
"What?" She asked, amusement all over her face.
"You heard me right. Hindi ko na papagawan ng resthouse and lot and you will not longer loo for another place. Just say yes."
She did not speak a word. Masyadong magulo pa sa kanya ang mga nangyayari. Ganun na lang ba yun kadali? She will marry this man she barely knew and file for annulment after 8 months?
But she can have the orphanage. Diba yun naman ang gusto niya? Yun ang hinihiling niya.. na maisalba ang center para sa mga bata na mas nangangailangan ng kalinga.
"Please. We can have an agreement. I can call my lawyers right now. I can renovate the center, provide them with all the need. Just say yes!" He's holding her hand and almost about to give up.
"What the!" She sighed.
"Please. Do this for the kids. Ito na ang chance mo para maisalba ang center. Para maisalba ang mga bata."
"But I can't marry you and just get an annulment afterwards. Hindi laruan ang kasal for Pete's sake!"
"I know. But we can work our relationship later on. Just say yes for now please. I beg you. I badly needed a yes for you."
Ilang minuto pa ang lumipas bago siya nagsilat ulit but right now, all the words that she will speak will be for the kids. Napakabilis man ng mga pangyayari ay tatangapin pa rin niya just to save the kids. Even if it means tying herself to someone she doesn't know. Hindi naman siguro ito member ng Mafia o isang drug dealer.
"I want an assurance na hindi mo ako niloloko."
He smiled.
A very dazling smile.
"I haven't say yes." She reminded him and he frowned. "Tell me na hindi mo ako niloloko." May diin na ang pagkakasabi niya dito.
"We can call our lawyers and settle things up. Say yes."
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila bago siya naglakas-loob sabihin ang mga salitang kahit siya ay hindi sigurado.
"Para sa mga bata, sige. Gagawin ko. Just don't fool me!"
"Are you sure you two aren't fooling around?" His Lola Carmin is now in his condo checking him out but was surprised when she found out that he is not alone with his househelp, Liza.
"Ask her." Tyler proudly said to her lola and he winked at her.
"Hmmm.."
"Hi po." Nahihiyang sabi ni Venice. Kanina noong muntik na siyang halikan ni Tyler ay biglang tumunog ang door bell sa penthouse niya na agad namang sinilip ni Tyler. Para naman itong namutla nang makita niya ang lola niya sa labas. He hurriedly briefed her about what they should do but this time, medyo easy na lang dahil katatanggap na ni Venice ng proposal niya. A very romantic proposal na daig pa ang proposal ni Joaquin kay Chichay sa Got to Believe.
"Who are you?" His lola raised a brow and tried to test her.
"Ahh, ako po si Venecia Panganibann."
"Lola don't scare her." Pagtatanggol sa kanya ni Tyler and wrapped her in his embrace. Medyo naaasiwa man ay hinayaan na lang niya ito dahil takot siya sa matanda.
"I am not. Just asking iho." She smiled.
"Are you okay?" Tyler asked her and she just nod.
"Hmm, kumain na po ba kayo?" She asked. Sa lahat ng pwedeng itanong ay kung kamain na ba siya ang lumabas sa mga bibig niya. She is so nervous that time na gust lang niyang magkulong sa kwarto. Wala talagang ibang dala tong si Tyler sa buhay niya kundi perwisyo.
"Don't mind her baby." Tyler told her and she frowned.
"Anong don't mind her? Lola mo siya at wala kang pakialam?" She tried to whisper at him pero siguradong dinig pa rin yun ng lola ni Tyler dahil malapit lang naman sila dito. Tahimik naman na nagmamasid ang lolo nito sa kanilang dalawa na wari'y sinusuri sila.
"Basta. Yaan mo na. She went here so she should have eaten or she should've ordered breakfast." He replied and she struggle out from his embrace.
"Wala ka talagang modo minsan noh! Ganyan ka ba umasta sa pamilya mo?" She threw daggers to him and he was stunned for a moment.
Damn. This woman is a headache.
Tumigil lang silang dalawa when his grandmother talked again.
"I like you iha. Ikaw lang ang taong sumasalungat diyan maliban sa pamilya niya. Whatever your agreements are, make sure that you will not end up hurting each other. Una na ako. It seems that my apo is not on the mood right now and just wanna snuggle with his new girl."
"Argh lola!"
"Ayusin mo ang buhay mo Ford at malilintikan ka talaga sakin."
"Lola!"
"Paamuin mo siya Venecia. I like you and I am looking forward to see you at dinner maybe tomorrow.. right apo?"
What?
No way!
“Iuwi mo muna ako samin please.” She pleaded and he then looked at her. “Naguguluhan pa talaga ako sa mga nangyayari. Why me? I mean, mayaman ka naman, andaming mga babeng papayag sa deal mo pero bakit ako?”
“Look, Venecia, I know this is happening very fast. But I badly need a wife.” He closed his eyes and rest in the chair.
“Bakit nga?”
“Basta! Wag kang tanong ng tanong.”
“Eh kung ayaw mong magsalita eh di wag na lang nating ituloy!” She looks frustrated.
VENECIA
Nakakainis naman ang lalaking to. Sasagot lang naman sa mga tanong ko eh, bakit kailangan pang magalit? Humalukipkip ako habang siya naman ay nakapikit. Who cares?
“What the heck are you talking about?” Umupo siya ng maayos at humarap sakin.
“Eh ang simple lang po ng tanong ko, hindi niyo pa masagot ng maayos.”
Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Inilibot ko ang pangingin ko sa loob ng unit niya. Napakalinis niyon. Halatang pangmayaman. Puti at gray lang ang kulay ng interior ng lugar at sobrang linis. Sa sobrang linis ay pati ang langgam ay mahihiya.
“Fine! You are really one stubborn kind of a woman, don’t you?” Tumayo siya at humarap sakin. Maya-maya at naglakad palayo at pumasok sa kwarto niya.
“What the!” Hindi ba niya narinig ang sinabi ko? Naku naman, mga mayayaman talaga!
Matagal pa ito bago nakalabas at may bitbit na itong ilang pirasong papel.
“Here, read it and sign it.” Biglang kumunot ang noo ko.
NON-DISCLOSURE AGREEMENT
Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan kung ano ang NDA. Nakapag-aral naman ako kahit papaano kaya alam ko kung ano to. Kahit naguguluhan ay binusisi ko tong mabuti.
Eto siguro ang dahilan kung bakit matagal siyang nakalabas.
“I, Venecia Panganiban agrees to the terms and conditions stated herein and must follow all the rules made by Mr. James Tyler Ford of Ford Industries and Holdings.” Tumingin ako sa kanya pero blangko pa rin ang itsura niya.
“I will be his wife for the span of 8 months and therefore show my utmost loyalty to our marriage. After 8 months, we should be filing our annulment to the court with reasons that would not hurt the dignity of each. Mr. Ford shall therefore, transfer the name of the lot to my name and pay me any amount I want every month.”
“Akala ko ang orphanage lang ang ibibigay mo. Bakit may bayad pa?” Tanong ko sa kanya. Bigla naming sumingkit ang mga mata niya.
“Don’t worry. Sisiguraduhin ko na malaki ang makukuha mo. Bibigyan kita ng lahat ng pangangailangan mo. House and lot, money, clothes, driver, maids, anything. Everything. Just name your price.”
Biglang nagpanting ang mga tenga ko ng marinig ko ang mga salitang yun. Akala na niya isa akong bayarang babae na pagkatapos gamitin ay pwedeng nang itapon dahil bayad na siya?
“How dare you! Hindi ako isang bayarang babae.” Pagtatanggol ko sa sarili ko.
“You already agreed on my proposition. Now all you have to do is to sign that damn contract and then you’re good to go. Just do your part as my wife.”
“Huh! So ganun lang yun? Iba ka talaga Ford. Akala mo madadaan mo lang ang lahat sa pera?” Sigaw ko sa kanya. Bigla naman siyang nagging seryoso na para bang anytime ay papatay ng tao.
“I told you to watch your mouth!” He pointed me and stepped forward. Napaatras naman ako. “Remember the kids? Remember that they need shelter and love? Remember that they need your help?” He whispered at napapikit ako.
God help me. Para akong naiistatwa dahil sa ginagawa niya. Hindi ako makakilos. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko at ang mga kamay niya ay nasa bewang ko. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa. Parang nanghihina ako.
“Umalis ka!” Mariing sabi ko pero tinawanan lang niya ako. “I said umalis ka!” Tinulak ko siya ng sobrang lakas at nabitawan niya ako. He just stared at me intently na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Asshole.
“I chose you because I know that you will never fall inlove with me. I don’t do love and that’s much safer for me. Because I don’t have plans to make this damn marriage into forever. No strings attached. Just be my wife and you can have all the things you need for the kids and the orphanage. At alam ko rin na pera lang ang katapat niyong mga mahihirap.” Yun lang at pumasok na ulit siya. Naiwan lang akong nakatunganga sa mga papel na ngayon ay nagkalat na sa sahig. Umupo ako dahil pakiramdam ko ay mahuhulog na ako anytime.
I inhaled and exhaled slowly. Para akong hinihiwa ngayon. Pera lang ang katapat? Ganyan baa ng pagtingin niya saming mga dukha? Tahimik at masaya ang buhay ko bago ko pa siya nakilala pero bakit ganito na ito ngayon?
Para akong dinaganan ng malalaking bato. Kahit pala ilang beses mo nang narinig ang mga katagang “mukhang pera” ay masakit pa rin sakin. Masakit dahil hindi naman ako ganun. Masakit dahil kahit anong pagsisikap ang gawin ko ay yun at yun parin ang pagtingin nila sa mga katulad ko.
“Iha? Anong ginagawa mo riyan? Umiiyak ka ba?” Biglang napatigil ako ng marinig ko ang boses ni Manang. Agad kong inayos ang sarili ko at pilit na ngumiti kahit ang totoo ay nasaktan ako. Pero kailangan kong maging matatag. Hindi ako basta-basta maaapektuhan ng mga katulad niya. Sa tagal ba naman ng pag-iisa ko sa mundo ay ngayon pa ba ako madudurog?
“Hi po manang. Okay lang po ako. Medyo nahilo lang pero okay naman.” Ngiti ko sa kanya. Agad naman niyang sinuri ang katawan ko na para bang tinitingnan kung meron bang masakit sakin.
“Naku tong batang to. Halika at uminom ka ng tubig.” Ipinaghanda niya ako ng tubig at agad naman akong nagpasalamat.
“Salamat po manang ha.” Pinasigla ko ang boses ko na para bang walang nangyari. Ngumiti naman siya.
“Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang babae ang ipinakilala niya sa lola niya?”
Ngumiti ako.
“Talaga po?”
“Oo. At masayang-masaya ang lola niya panigurado!”
“Mabuti naman po kung ganun.” Uminom ako ulit kahit busog na ako.
“Kayo, matagal na ba kayo ng alaga ko?” Tanong niya sakin na nakangiti pa rin. Tinugon ko naman yun ng isang matamis na ngiti.
“Ah bago pa lang po.”
“Alam mo, pagpasensyahan mo na siya minsan, iha, ha. Ganyan talaga yan. Takot nga sa kanya ang mga empleyado niya eh. Ako lang ang hindi takot diyan dahil matagal na akong nagtatrabaho sa pamilya niya.”
“Talaga po? Mabait naman po siya sakin eh. Minsan nga lang medyo moody.” Pagsisinungaling ko sa kanya. “Manang, saan po ang kwarto ko? Gusto ko pa kasing matulog eh.”
“Ah, hindi ka ba sa kwarto niya matutulog ngayon? Doon ka kasi natulog kagabi at andun rin ang mga gamit mo.”
Bigla naman akong namula. Lagot na.
“Ah, doon lang po ako natulog kagabi dahil mahirap ko akong gisingin. Pero ngayon, separate rooms na po ang gagamitin namin.”
“Ah ganun ba. Oh di ikaw ay sa guest room ko ihahatid.” Ngumiti siya sakin at iginiya ako sa isa sa mga rooms dito.
Ang ganda. Ang laki pa ng room. Ang yaman talaga siguro niya ano? Nasa taas kami ng gusali at napapalibutan rin ng mga matataas na gusali. I sighed. Kailan kaya ako magkakaroon ng ganito?
Nahiga ako sa kama na sobrang lambot at napapikit. “Ma, sana andito kayo ngayon kasama ko.” Sobrang miss na miss ko na ang mama ko. Matagal na siyang wala pero pakiramdam ko ay parang kahapon lang ng hinahaplos pa niya ang buhok ko hanggang sa makatulog ako. Biglang tumulo ang mga luha ko at agad koi tong pinunasan.
Iidlip na sana ako nang bigla kong maalala ang trabaho ko. Teka, nasaan pa la ako ngayon? Agad akong bumangon at naghanap ng clues kung saang lugar ako hanggang sa nasagi ng mga mata ko ang isang billboard ni Christiano Ronaldo na siyang modelo ng Clear Men. Ang gwapo talaga niya. Napangiti ako. Makati City. Nabunutan ako ng tinik ng makita na hindi pala sobrang layo ang kinaroroonan ko sa lugar namin. Siguro nasa 30 minutes lang byahe kung pribadong sasakyan ang gagamitin.
Bumalik ako sa kama at tumihaya ng higa. “Gusto ko ng umuwi.” Bulong ko. Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa makatulog ako.
“Manang, where’s Venice?” Tanong nito sa katulong.
“Ah iho nagpahatid siya isa silid niya. Andun sa pangalawang guest room.”
Huminga muna siya malalim bago tumango sa katulong. Agad siyang nagtungo roon at maingat na pinihit ang siradura hanggang sa makita niya ang bulto ng babae na nasa ibabaw ng kama.
“Sweetheart..” Tawa niya dito. Lumapit siya sa kama at biglang napako ang tingin ng makilala na ibang babae pala ito. Hindi ito ang babaeng minahal niya noon. Ang babaeng nanloko sa kanya.
“Venice…” Bulong niya. Agad naman niyang naramdaman ang pagkilos nito kaya agad siyang tumayo mula sa kinauupuan niya.
“Anong kailangan mo?” Nagulat pa siya ng nagsalita ito. Hindi niya maaninag ang reaksiyon ng babae dahil sa medyo madilim ang silid.
“Why are you here?” tanong niya sa madiing boses.
“Bawal ba?” Binalewala niya ang malamig na tono ng pananalita nito. Bago pa man siya pumasok sa silid niya ay nakalimutan niyang sabihan ang babae kung saan ito maglalagi. Gusto niya sanang sa kwarto niya ito maglagi pero ayaw niya dahil ayaw niyang isipin nito na seryoso siya sa deal nilang dalawa.
Parte lang ito sa plano niya para makuha niya ang para sa kanya. Wala siyang balak na itali ang sarili niya at mamuhay na para talagang mayroon asawa. Ni wala siyang balak ipaalam sa mga kaibigan niya ang rason niya. At kung sakali mang malaman ng mga ito na mayroon siyang asawa ay bahala na. Basta makuha na niya ang mga mana niya at pwede na niya itong hiwalayan.
“No it’s okay. Dito ka na lang mag-iistay. Bukas pasasamahan kita kay Rico pabalik ng Sta. Lucia. Magpaalam ka sa mga kaibigan mo at pati na rin sa center. Wag ka na ring mag-abala pang kunin ang mga gamit mo dahil ibibili kita ng bago.”
Hindi siya sumagot.
“And one more thing. Walang makakaalam na may deal tayo. Act as if you’re head over heals inlove with me.” Yun lang at umalis na siya.
Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Venecia dahil sa narinig. “He is really dominant…and a bastard!” bulong niya sa sarili. Simula sa unang pagkakataong nagkita sila ng lalaki sa center ay mainit na ang dugo niya rito. Hindi niya masyadong pinapahalata pero gustong-gusto na niya itong pilipitin dahil sa pagiging arogante nito.
“For the sake of the kids. Sorry mama pero mas kailangan nila ang tulong ko.”