"Ano ito, Boss?" napapangiti, at pailing-iling niyang tanong sa kay Jaxel. "Akala ko ba hihintayin mo ako sa hotel?" Nagkibit-balikat si Jaxel habang may pilyong ngiti sa labi nito. 'Yung tipong ngiting nakakataba ng puso niya. Umupo ito sa tabi niya, at ibinigay sa kanya ang hawak na bulaklak, at pasimpleng hinawakan ang kanyang kaliwang kamay na nakapatong sa kanyang hita. Abot-langit naman ang kanyang kaba niya sa ginawa ng binata. "Nainip ako, kaya tinawagan ko sila ni Octavo," mahinang sabi ni Jaxel, at malamlam siyang tinignan. "Alam kong gusto ka nilang makasama, at makausap pero gusto ko ring makasama ka ngayon. Naunawaan mo ba? Marami pang pagkakataon na nakasama mo sila, pero ako magsisimula pa lang ngayon. Ayokong sayangin ang oras na hindi ka kasama." "Pero, Boss, nangak

