Dalawang araw na sila na naglilinis sa may bagong biniling bahay ni Kuya Christian niya, at halos patapos na din sila ni Ninay sa paglalagay ng mga kurtina sa buong kabahayan. "Mas.gusto ko ang design ng bahay na ito saka medyo malaki lang ito ng kunti sa bahay na ibinenta niya kay Sir Jaxel," saad ni Alona,.at biglang nagsalubong ang kilay ng makitang parang wala sa saliri ang kaibigan. "May problema ka? Napapansin ko, kanina ka pa wala sa saliri mo." Nagpakawala lang ang kaibigan ng isang buntong-hininga. "Nag-text kasi si Kuya Anthony sa akin. Pinapapunta niya ako sa kanyang clinic mamaya. May mahalaga daw siyang sasabihin. Alona, kinakabahan ako. Hindi kaya malala na ang kondisyon ni Itay?" Pinagmasdan niya ang kaibigan. Mababakas sa mukha nito ang pag-alala. Kaya minabuti niya ngi

