INAAYOS.PA PO ANG CHAPTER NA ITO Gabi ngunit nasa may harden pa siya ng ampunan. Malungkot na nakatingala sa may kalangitan habang pinagmamasdan ang maigi ang nagtatagong buwan. Napayakap siya sa kanyang saliri, at naitanong sa saliri kung ang buwan ba'y hindi din napapago mag-isa sa kadiliman ng gabi? Napapikit ang kanyang mata habang dinadama ang lamig na dulot ng pag-ihip ng malakas na hangin. Halos nagsipagliparan ang ilang hibla ng kanyang buhok na tila'y nais ikubli ang kanyang kalungkutan. Matagal na panahon ang lumipas nang iwan niya ang bahay ampunan. Ang lugar kung saan siya naging masaya at malaya. Ngunit hindi siya nagsisisi na pumayag siyang ampunin nina Nay Judy at Tay Lauro. Minahal siya ng mga ito ng labis-labis. Pinadama sa kanya ng mga ito ang tunay na kahulungan ng

