"Alona, nasaan ka?" Malakas na tawag sa kanya ng amo. Sa lakas ay halos dinig na dinig ang amo. "Alona!" Napaatras siya ng ilang hakbang bago bumaling sa kung saan nagmumula ang boses. "Boss, sa may duyan!" Ano na naman kaya ang kailangan ng Boss niya? "May ipag-uutos kayo, Boss," tanong niya sa amo nang makalapit na ito. "Of course, mayroon! Kaya nga tinatawag kita," sarkastikong sagot ng amo niya. Gusto niyang matawa kasi salubong ang mga kilay nito. "Halika nga muna. Mamaya ka na mag-usyoso diyan. Samahan mo muna ako sa kusina nang mapakapagluto tayo ng meryenda. May parating akong bisita." Gusto tampalin ni Alona ang kanyang noo. Bakit nga ba naitanong niya pa iyon? Saka teka bakit parang bumalik sila ng square one? Nasaan na ang mahinahon pananalita nito? "Bilisan mo! Mamaya

