Medyo makulimlim ang langit gayon pa man ay napapangiti pa rin si Jaxel. Ang tunay ay kanina pa siya parang timang na ngumingiti habang nagmamaneho. Marahil dahil masyado siyang excited na makita ang magiging reaksyon ni Alona once na malaman nito na malapit niya ng ipatayo ang dreame boat house ng dalaga. Tama, patungo sila ngayon sa ancestral house nila kung saan ipapatayo niya ang boat house na pinapangarap ng dalaga. Magagalak kaya ang dalaga kapag nalaman nito ang balak niya? Habang siya ay abala sa pagmuni-muni, ang walang kaalam-alam na dalaga ay nanatiling nakatingin sa may labas ng bintana ng sasakyan. Tahimik at mukhang may mabigat na problema. Nabahala at kunot-noo niyang binalingan ito ng paningin. Nais niya itong tanungin kung talaga bang naaaliw ito sa tanawin na kanila

